Kaya Ko Na!
ni Elinor B. Tolentino
Tuwang-tuwa si Louis dahil ngayong taon ay nasa ikaapat na baitang na siya. Sabik na
siyang pumasok sa paaralan. Matagal ding naantala ang pasukan dahil sa Covid-19. Naiurong kasi
ang kanilang pasukan upang lalong maihanda ang mga paaralan sa bagong paraan ng pag-aaral
ngayong taon. Sa Oktobre pa ang pasukan ngunit wala siyang sinayang na oras. Tuloy pa rin ang
pagbabasa niya ng mga lumang aklat na hindi pa rin naisasauli. Alam niyang magiging malaking
hamon ang taong ito lalo na at napanood niya sa balitang walang face-to-face na magaganap.
"Paano po kaya iyon?", ang lagi niyang tanong sa kaniyang Nanay Helen. Modular distance
learning sila ngayon. Ang sabi ng kaniyang Nanay Helen, siya ang magiging guro niya ngayon at
tutulungan ng kaniyang nanay ang guro niya upang siya ay matuto. Noong nakaraang araw pa
nakuha ng kaniyang nanay ang mga modyul na kaniyang gagamitin.
Dumating na ang pinakahihintay na araw ni Louis, pasukan na! Iba nga lang ito sa
kaniyang nakagisnan noon. Walang uniporme, hindi papasok sa paaralan, walang mga kaklaseng
makakausap at walang gurong haharap sa klase. Ang Nanay Helen lamang at ang kaniyang
bunsong kapatid ang kaniyang kasama ngayon. Kinuha na ni Nanay Helen ang mga modyul.
Nagulat si Louis. Ang dami! Hindi alam ni Louis kung matutuwa ba siya o maiiyak na lamang. Sa
mga oras na iyon, sinisi niya ang pandemya kung bakit hindi normal ang pag-aaral ngayon. Nais
na rin niyang sabihin sa kaniyang nanay na "Huwag na muna kaya akong mag-aral ngayong taon?”
Natigil ang kaniyang pag-iisip nang tawagin siya ng kaniyang nanay. Habang karga ang
kaniyang bunsong kapatid, ginabayan siya ni Nanay Helen sa pagbasa at pagsagot ng kaniyangmga aralin. Matiyaga siyang tinuruan ng kaniyang nanay. May mga pagkakataong tatawagan ng
kaniyang nanay ang mga guro ni Louis upang magtanong sa mga gawaing hindi niya maunawaan.
Aalis lamang sa kaniyang tabi ang kaniyang nanay kapag sumasagot na siya sa mga gawain; iyon
pa lamang ang pagkakataon na aatupagin ng kaniyang nanay yang mga gawaing bahay. Araw-
araw ay ganito ang karanasan ni Louis, kaya nawala na ang naramdaman niyang panghihina ng
loob sa simula. Lalo niyang pinagbuti ang pag-aaral. Ngayon, kusang-loob na niyang kinukuha
ang mga modyul sa envelope upang pag-aralan. Magtatanong na lang siya sa kaniyang nanay
kapag mayroon siyang hindi nauunawaan.
Kung dati, "Ayoko na!" ang kaniyang bukam-bibig, ngayon ay napalitan na ito ng "Kaya
ko na!". Pilit niyang kakayanin kahit mahirap dahil nakita niyang kahit nahihirapan ang kaniyang
Nanay Helen ay matiyaga pa rin siyang tinuturuan. Naniniwala rin siya sa sinabi ng kaniyang
nanay na, “maaayos rin ang lahat at babalik sa normal ang lahat, manalig lang tayo sa Diyos at
magtiwala sa iyong sarili. Kaya mo iyan!"
ANO ANG KATANGIAN NI LOUIS?
Share
Answer:
responsable at malaki ang tiwala sakaniyang sarili.