Kilala sa Barangay Sampalo ang mag-anak na Gomez dahil sa kanilang talino sa si
naaanyayahan ang mag-asawang Gomez sa mga kasiyahan, sapagkat pareho silang magaling
sumayaw. Si G. Gomez naman ay binibiro pa ng kaniyang mga kaibigan na Ginoong Pinagpala dan
sa kaniyang galing sa pagsayaw at pag-awit ay magaling din siyang gumuhit,
Isang araw nag-anunsiyo ang kapitan ng barangay na magdaraos ng paligsahan sa iba't ibang lakas
para sa mga kabataang edad pito hanggang labing-tatlo. Maraming nakuhang sponsor ang barangay War
malaki ang premyo. Tamang-tama naman sa tatlong anak ng mag-asawang Gomez, dalawa sa kanilang mga
anak ay nanalo na sa kani-kanitang paaralan sa iba't ibang paligsahan sa sining. S Rico ang panganaya
magaling sumayaw at si Rica naman ay magaling umawit Ang bunso na si Maya, pitong taong gulang ay
kinakikitaanna nilang magaling gumuhit, Namana nito sa kanilang ama ang galing sa pagguhit. Dahil dito,
sinasabihan ng mag asawa ang kanilang bunso na sumali na rin sa paligsahan ng barangay subalit agad itong
tumanggi dahil hindi pa niya naranasang sumali sa kahit na anong paligsahan.
"Ano kaya ang gagawin natin sa ating bunso?" may pag-aalala ang tinig ng nanay.
"Alalayan muna natin at kuwentuhan natin siya ukol sa kahalagahan sa paggamit ng talentong ibinigay
sa kaniya ng Diyos." ang mungkahi ng ama.
Niyaya ng mag-asawa ang bunsong anak sa isang lugar na maraming ibon sa paligid at may malaking
aquarium na may iba't ibang isda. "Tignan mo ang mga ibon at isda, anak. Pareho pareho ba sila ng ginagawa?
Pareho-pareho ba sila ng kakayahan?" ang tanong ng ama kay Maya. "Hindi po, "ang sagot naman ng anak
"Nakatutulong ba ang mga ito sa atin?' "Opo," ang sagot ni Maya habang tinititigan ang mga hayop na
binabanggit ng ama
"Ikaw din ay binigyan ng Diyos ng talento na kakaiba sa mga kapatid mo. Dahil bigay sa atin ng Diyos
ang ating mga talento, may pananagutan tayong ito ay pagyamanin at gamitin para sa iba. Ang ating talento ay
magagamit natin sa kapaki-pakinabang at malikhaing gawain, at ang bunga nito ay ang pag-unlad ng talento
natin na makatutulong sa kaunlaran ng tahanan, pamayanan, at daigdig.
"o, ano,sasali ka na rin sa paligsahan, anak? "tanong ng ina. "Huwag kang matakot, anak, sa simula
lang mahirap. "Pag nasanay ka na, matutulad ka na rin sa kuya at ate mo na nananalo sa mga paligsahan."
"O sige po, pag-uwi ko sa bahay, magsasanay na ako sa pagguhit." ang tugon ng bunso nilang si Maya
Sumali nga sa paligsahan sa sining ang tatlong mga bata. Si Rico sa pagsayaw, si Rica sa pag-awit, at
si Maya sa pagguhit
. Dahil tinutukan ng mag-asawa ang pagsasanay ng kanilang tatlong anak, pare-parehong
nanalo ang mga ito. Ang dalawang mas matanda ay parehong unang gantimpala at si Maya,dahil unang
pagkakataon pa lamang niyang sumali at medyo may alinlangan pa sa kaniyang talent sa pagguhit ay
nakakuha lamang ng ikalawang puwesto. "Di bale mula ngayon, magsasanay na ako. Sa susunod, unang
gantimpala na ang makukuha ko." tugon ni Maya.
"Diyan ka magaling!" ang sabay-sabay na sigaw at tawanan ng buong mag-anak,
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Bakit kilala sa kanilang barangay ang Pamilya Gomez?
2. Ano-ano ang talentong angkin ng mag-anak?
3. Anong aral ang natutunan mo sa kuwento?
4. Anong talento ang taglay mo?
5. Bakit kailangang linangin ang pagiging malikhain?
Share
Explanation:
Isang araw.nag-anunsiyo ang kapitan ng barangay na ... ang sabay-sabay na sigaw at tawanan ng buong mag-anak. ... Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1.