Kilala sa tawag na Cofradia de San Jose ang...?
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang eksibisyong ito ay ukol sa buhay at pagka-bayani ni Apolinario de la Cruz, mas kilala sa tawag na Hermano Puli, at ang mundong kanyang ginalawan. Itinatampok sa pagtatanghal na ito ang pagkakatatag ng isang kapatiran na tinawag na Cofradia de San Jose ng isang payak na binatilyo mula sa Probinsya ng Tayabas at ang pakikipaglaban para sa karapatang kilalanin at makapaglingkod sa Diyos at sa Simbahan. Ang mga pangyayaring ito na nakatitik sa mga dokumentong mula sa kolekyon ng Pambansang Sinupan ng Pilipinas ay masasalamin sa mga lumang gamit at mga likhang sining mula sa Panahon ng mga Kastila na nasa pangangalaga ng AERA Foundation na pinamumunuan ni G. Conrado Escudero.
Answer:
Si Apolinario de la Cruz (22 Hulyo 1814 – 4 Nobyembre 1841), na kilala rin bilang Hermano Pule ("Kapatid na Pule") o Puli, ay isang Pilipino na namuno sa isang paghihimagsik laban sa pamahalaang Kastila sa Pilipinas. Ang pakikibakang ito ay inilaan sa kalayaan sa pananampalataya at sa isang kasarinlang pambansa.
Explanation:
Sana makatulong