Test C
Panuto: Ano ang mga nagawa ng Asamblea ng Pilipinas sa ating bansa noon? Lagyan ng
tsek (/) kung tama ang ipinahahayag at X kung mali ang ipinapahayag.
_____11. Pagtatatag ng isang bangko para sa mga magsasaka.
_____12. Pagtatakda ng ikalawang araw ng Mayo bilang araw ng paggawa.
_____13. Pagpapatibay ng batas para mapalaganap ang edukasyon sa buong bansa.
_____14. Pagpapatibay ng batas na lumikha sa Kawanihan ng Paggawa at mga kaugnay sa
mga sangay nito.
_____15. Pagpapaunlad ng Sistema ng komunikasyon at transportasyon sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga daan,tulay at pahatiran, tulad ng telepono at telegrapo
Test D
Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang letra ng pinakatamang sagot sa patlang.
___16. Ang organisasyon na may kapangyarihang gumawa at magpatupad ng mga batas
para sa kanyang nasasakupan.
A. pamahalaan B. paaralan C. tahanan D. simbahan
___ 17. Ang sangay na pinamumunuan ng pangulo at nagpapatupad ng batas.
A. Tagapagbatas C. Tagapaghukom
B. Tagapagpaganap D. Tagapagligtas
___ 18. Ang pamahalaan ay may tatlong magkakaugnay na mga sangay. Alin sa
mga sangay na ito ang may kapangyarihang sumuri sa pambansang badget?
A. Tagapagbatas C. Tagapaghukom
B. Tagapagpaganap D. Tagapagpayo
___19. Ang sumusunod ay ang tatlong sangay maliban sa isa.
A. Ehekutibo o Tagapagpaganap
B. Lehislatura o Tagapagbatas
C. Hudikatura o Tagapaghukom
D. Ehekutibo o Tagapagbatas
___20. Alin ang tinatawag ding konstitusyon o mga nasusulat na kalipunan ng batas na ipinatutupad sa isang bansa?
A. komisyon C. Pambansang Batas
B. minorya D. Saligang Batas
___ 21. Layunin ng unang komisyon ang pakikipag mabutihan ng Estados Unidos sa ating bansa.
A. Komisyong Schurman
B. Komisyong Taft
C. Komisyong Hare-Hawes
D. Komisyong Douglas MacArthur
___22. Bakit nakuha ng mga Amerikano ang kalooban ng mga Pilipino?
A. Ang Pilipinas ay colony ng Amerika.
B. Binigyan ng trabaho at lupain ang mga Pilipino.
C. Pinangakuan ng kalayaan at magandang buhay ang mga Pilipino.
D. Pinagkalooban nang malayang pagpapahayag sa pananalita at pagsulat ang mga Pilipino.
___ 23. Ano ang itinatag agad ng mga Amerikano upang tanggapin ng mga Pilipino ang
pananakop sa ating bansa?
A. Patakarang Homestead C. Patakarang Panlipunan
B. Patakarang Kooptasyon D. Patakaran ng Pamahalaan
__ 24. May mga patakaran at batas na ipinatupad ang mga Amerikano na sumupil sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang?
A. Batas Sedisyon
B. Batas Reconsentrasyon
C. Patakarang Pilipinisasyon
D. Batas bandila at makabayang organisasyon
___ 25. Anong batas pangkalakalan ang nagtatakda na hindi magbabayad ng buwis ang produktong galling sa Pilipinas, ngunit may takdang dami o quota?
A. Batas Payne- Aldrich
B. Batas Underwood- Simmons
C. Batas Tydings- McDuffie
D. Batas Hare- Hawes- Cutting
___ 26. Paano naapektuhan ng colonial mentality ang pamumuhay sa bansa
A. Naging malaya sa pagtangkilik sa kahit anong produkto.
B. Ibinenta ang mga produktong gawa sa Pilipinas sa mga dayuhan.
C. Higit na tinangkilik ang mga produkto ng Amerikano kaysa Pilipino.
D. Higit na tinangkilik ang sariling produkto sa Pilipinas kaysa sa mga banyaga.
___27. Ang sumusunod ay mga paraan ng pagsasaka na natutunan ng mga Pilipino sa mga Amerikano. Maliban sa isa.
A. Paggamit ng kalabaw sa pagsasaka.
B. Makabagong paraan ng pagsasaka at patubig.
C. Tamang paraan ng pagsugpo ng mga peste sa pananim.
D. Paggamit ng mga makabagong traktora at iba pang kagamitan sa pagsasaka.
___28. Ang pagkakaroon ng katarungang panlipunan para sa lahat ay binigyang- diin ng Pamahalaang
Komonwelt. Anong batas ang nagtatakda para sa walong oras na paggawa bawat araw?
A. Minimum Wage Law
B. Eight Hour Labor Law
C. Public Defenders Act
D. Court of Industrial Relations
___29. Ito ng kauna- unahang batas na pinagtibay ng Pambansang Asamblea. Itinatag ito upang mapangalagaan mula sa panloob at panlabas na panganib ang bansa.
A. Batas ng Tanggulang Pambansa
B. Batas ng Kalusugan at Edukasyon
C. Batas sa Pagsasaka at Komersiyo
D. Batas Kasama o Tenancy Act
Share
12/
13X
14/
15./
dats tru