kuwentong bayan na sumasailalim SA tradisyon
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
.
Explanation:
Ang kuwentong-bayan (sa Ingles: folklore) ay bahagi ng isang kalinangan na binabahagi ng isang partikular na pangkat ng mga tao; sinasasaklaw nito ang mga tradisyon karaniwan sa kalinangan, subkultura, o pangkat na iyon. Kabilang dito ang tradisyong pasalita tulad ng mga salaysay, alamat[1], kawikaan at biro. Kabilang sa mga ito ang kulturang materyal, na mula sa tradisyunal na istilo ng mga gusali hanggang sa mga laruang gawang-kamay na karaniwan sa pangkat. Kabilang din sa kuwentong-bayan ang tradisyunal na kaalaman (kaya maaring tawagin din itong tradisyong-bayan o tradisyong-pambayan), na nagbibigay aksyon para sa mga paniniwalang-bayan, ang mga anyo at ritwal ng mga pagdiriwang tulad ng Pasko at mga kasal, mga sayawing pambayan, at mga rito ng pagsisimula. Bawat isa sa mga ito, nag-iisa man o magkahalo, ay tinuturing isang artipakto ng tradisyong-pambayan. Kasinghalaga ng anyo, sinasaklaw din ng kuwentong-bayan o tradisyong-bayan ang paghatid ng mga artipakto iyon mula sa isang rehiyon hanggang sa isa pa, o mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod pa na henerasyon. Hindi tipikal na makukuha ang kuwentong-bayan sa isang pormal na kurikulum ng paaralan o pag-aaral sa pinong sining. Sa halip, impormal na naipapasa ang mga tradisyon mula sa isang indibiduwal hanggang sa isa pa sa pamamagitan ng tagubiling pasalita o demonstrasyon. Tinatawag na araling tradisyong-pambayan o polkloriko ang akademikong pag-aaral ng kuwentong-bayan o tradisyong-bayan, at maari itong masiyasat sa mga antas na undergradweyt, gradweyt, at Ph.D.