Lagi sana ninyong tandaan na lubos naming kayong mahal,
Kayo ay itinuturing naming biyaya mula sa Maykapal,
Lubos ang panalangin sa Diyos na kami’y tulungan,
Sa pagpapalaki at paggabay bilang isang magulang,
Ang tangi lang naming hiling sa inyo ay magsipag sa pag – aaral,
Nang sa huli’y maabot ang pangarap n’yong lubos na minamahal,
Huwag magdamdam kung minsan kami ay nagagalit,
Sa mga maling gawa n’yo lamang kami naiinis,
Ang mga salita na inyong naririnig,
Ay mga paalala lamang nasana di na maulit,
Mga maling gawa nawa’y inyong maisip,
At itatak sa puso na hindi na maulit,
Nais lamang naminna kayo ay lumaking matuwid,
Mga itinurong pagpapahalaga ay isapuso at isaisip,
Saksi ang langit kung paano namin ninais,
Ang magandang buhay sa inyo ay maihatid.
Mga gabay na tanong:
1. Ano ang iyong naramdaman matapos mabasa ang tula?
Pangatwiranan.
_____________________________________________________________________
2. Anong mensahe ang hatid nito sa iyo?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Natural lang ba na ganito ang maramdaman at nais ng isang
magulang sa kanyang anak? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Share
Answer:
1. Ako po ay mangiyak-ngiyak habang binabasa itong mensahe. Ramdam ko po ang pagmamahal ng isang magulang para sa kanyang minamahal na anak.
2. Ang mensahe po nito ay ipabatid sa lahat ng mga anak na mahal na mahal ng mga magulang ang kanilang mga/ ang anak nila at ginagawa nila ang lahat para sila al mapabuti at bigyan ng magandang pamumuhay kahit mahirap.
3 Opo, gusto lang ng mga magulang na mapabuti ang kanilang anak.
Explanation:
HOPE IT HELPS.
#CARRYONLEARNING
Answer:
Ang aking naramdaman sa tula ay nakakaiyak sapagkat ang tula na ito ay tula para sa mga anak upang maintindihan nila kung bakit ang mga magulang natin ay minsan nagagalit sa atin dahil ayaw nilang gawin natin ang mali at ginagawa nila iyon para sa ating ikabubuti.
Ang mensahe na hatid nito saakin ay ang mga magulang natin ay mahal tayo, nais itama ang ating pagkakamali at gagawin ang lahat upang makamit natin ang magandang kinabukasan na gusto nila para saatin
oo sapagkat ang isang magulang ay tungkulin nitong pangalagaan at gabayan ang kanyang anak upang lumaki ito ng mabuti at piliin ang tama
Explanation:
Ang aking mga sagot ay base sa aking pagkakaintindi sana ay makatulong