Lagumang Pagsubok sa Pagkonsumo Panuto:
Kilalanin ang inilalarawan ng mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang iyong mga wastong sagot patlang bago ang bawat bilang.
__1. Tumutukoy sa paggamit ng kalakal at serbisyo.
__2. Uri ng pagkunsumo kapag bumili ng tela upang gamitin sa paggawangkamiseta.
__3. Uri ng pagkonsumo kapag bumili ka ng softdrinks upang mapukaw ang itong pagkauhaw.
__4. Uri ng pagkonsumo kapag hinahayaang bukas ang gripo at umaagos ang tubig.
__5. Ang kaakibat na ekonomikong proseso o aktibidades ng produksyon.
__6. Batas na nagsasabing ang panggagaya sa produktong ginagamit ng iba ay nagbibigay ng kasiyahan sa tao.
__7. Salitang ingles na tumutukoy sa kasiyahan na natatamo ng tao sa pagkonsumo.
__8. Batas na nagsasaad na ang paggamit o pagbili ng magkakaternong produkto ay nagbibigay kasiyahan sa tao.
__9. Batas na nagsasaad na ang patuloy na pagkonsumo ng isang partikular na produkto sa isang pagkakataon ay magreresulta sa pagbaba ng karagdagang kasiyahan sa matatamo sa bawat yunit ng produkto na kinukunsumo.
__10. Batas na nagsasaad na ang tao ay nakatatamo ng higit na kasiyahan sa pagbili ng iba't ibang produkto kaysa sa pagbili ng iisang uri ng produkto.
Share
Answer: