Lokal at Global na Demand grade 9 po siya.
Share
Lokal at Global na Demand grade 9 po siya.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Health Care/ Medical
Bago pa man magkaroon ng pandemya, mataas na talaga ang demand sa Filipino healthcare workers. Kaya naman binibigyan pansin ngayon ng ating gobyerno ang mabilis na proseso ng pagdeploy sa mga healthcare workers kabilang ang mga doktor, nars, pediatricians, at veterinarians. Sa patuloy na banta ng Coronavirus, asahan ang patuloy na demand nito sa USA, Canada, New Zealand, at Middle East.
Household Service Workers
Tumataas na rin ang demand sa mga kasambahay sa Saudi Arabia, Singapore, at Hong Kong. Marahil dahil ito sa work from home set-up ng maraming pamilya, kinakailangan nila ang serbisyo ng isang kasambahay upang makatulong sa paglilinis, at pag-aalaga ng mga bata o nakatatanda. Tulad ng kasambahay, kasama rin sa kategoryang ito ang mga caretakers at mga karpintero.
General Work Service
Malaki rin ang oportunidad na naghihintay para sa mga manggagawang gusto sumubok bilang isang drayber, electrician, automotive, refrigeration at aircon repairman, plumber at maintenance technician.
Manufacturers
Maraming international manufacturing companies ang nangangailangan ng foreign workers upang palakasin pa lalo ang kanilang workforce. Malugod na tumatanggap ang Taiwan at Japan ng applicants bilang factory workers, production at machine operators, technicians at technical operators.
Hospitality-related work
Sa pagbabalik sigla ng turismo at muling pagbubukas ng mga tourists destinations, inaasahan din ang unti-unting pagdami ng mga turista. Kaya bumabalik pati ang posibilidad na makakuha ng trabaho sa hotel at food and beverage industry (F&B). Madagdagan ang cooks, waiters/waitresses, baristas at restaurant service na kakailanganin sa UAE at Middle East region.
Engineers
Sa larangan ng propesyonal na trabaho, tinatayang ang industriyang ito ang pinaka-in demand sa Middle East maging sa United States. Land-based o sea-based engineer, nakakasiguro na malaki ang sweldo na naghihintay para sa inyo.
IT Professionals
Sa nakalipas na taon, natunghayan natin ang tuloy-tuloy na paglago ng teknolohiya. Asahan na lalaki ang papel na gagampanan ng paggamit ng computers at gadgets para sa pagpapatuloy ng trabaho at mga negosyo, ano man industriya ang kinabibilangan mo. Kilala ang Singapore sa pagtanggap ng mga OFWs sa larangan ng IT at Telecommunications pero alam niyo ba na tumataas na rin ang demand nito sa ibang bahagi ng Asia Pacific lalo na sa Malaysia?
Teachers
Kilala ang pagiging guro bilang isang marangal na trabaho at tunay naman napapansin ang kakayahan ng mga Pilipino lalo na sa pagtuturo ng wikang Ingles. In-demand ang Pinoy sa mga International schools sa mga bansang Singapore, Japan, China, South Korea at Indonesia kung saan Ingles ang kanilang pangalawang wika.
Labor / Construction
Tulad ng healthcare workers, in-demand din ang mga skilled workers na gusto pumasok sa construction tulad ng foreman, electricians, heavy equipment operators at welders. Sikat ang ganitong uri ng trabaho sa Middle East pero kung ikaw ay may kasanayan na sa construction noon, maaari mo rin subukan sa Japan, Taiwan, South Korea at New Zealand.
Sea-based workers
Ang nangungunang trabaho na pwede mo applyan sa United States ay ang pagiging sea-based engineer. Kasabay nito, maganda rin ang sweldong naghihintay para sa mga gustong sumubok maging seaman at bosuns (manager na incharge sa mga equipment at crew ng barko).
Explanation:
patama nalang hehe