1. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang tuwirang naglalarawan ngt epektibong pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran?
A. ang mga nakatira sa kapatagan ay naging mahuhusay na magsasaka
B. ang mga makapangyarihang bansa ay kinokontrol ang mga mahihinang lupain
C. nakikipagkalakalan ang mga sinaunang mamamayan sa kanilang mga kalapit-lupain
D. nasa iisang rehiyon ang mga bansa/lupaing may magkakaugnay na kultura at kasaysayan
12. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag sa kaisipang ang Ziggurat ay sentro ng relihiyon sa mga estadong-lungsod ng Sumer?
A. sa ibabang bahagi nito karaniwang iniimbak ang mga inaning butil
B. tuwirang panirahan ito ng mga hari-pari na nagpapatupad ng batas
C. ito ay gusali na maraming palapag na nakatayo sa gitna ng lungsod-estado
D. dambana ito ng mga diyos at diyosa na tuwirang nakikipag-uganayan sa mga mamamayan
13. Bakit naging madali para sa ibang pangkat ng mga mamamayan na mapasok at masakop ang Mesopotamia partikular na ang SUMER?
A. mahihina ang mga katawan ng mga mamamayan ng Sumer
B. walang malakas na hukbo ang Mesopotamia na maaaring magtanggol sa kanilang lupain
C. wala itong likas na hadlang na maaaring humarang sa mga mananalakay
D. mahihina ang mga pinuno ng Mesopotamia kaya't madali itong magapi ng mga kalaban
14. Makikita sa Tsina hanggang sa kasalukuyang panahon ang Great Wall of China. Paano ito nakatulong sa mga Tsino noong unang panahon?
A. ito ay nagsilbing dasalan ng mga Tsino sa kanilang pananampalataya
B. ito ang naging kauna-unahang pasyalan ng mga Tsino
C. ito ay nagbigay ng masaganang buhay sa mga Tsino lalo na sa kalakalan
D. ito ay naging hangganan sa Hilaga at tanggulan laban sa mga tribong nomadiko
15. Sa pag-aaral ng heograpiya, binibigyang-pansin ang limang saklaw nito. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang dito.
A. Anyong-lupa at Anyong-tubig
B. Interaksyon ng tao sa kapaligiran
C. Klima at panahon
D. Paggalaw
Share
Answer:
1.A. ang mga nakatira sa kapatagan ay naging mahusay na magsasaka