mag bigay ng sawikain tungkol sa sanggol pls ngayun napo
Share
mag bigay ng sawikain tungkol sa sanggol pls ngayun napo
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang araw ng pagligo ni baby ay sa araw mismo nang siya ay isilang. Kaya
kung Lunes siya ipinanganak, every Monday siya dapat paliguan, maliban na lang kung kailangan nang maligo dahil sa iba‘t ibang kadahilanan.
2. Ang pangontra sa sinok ng baby ay ang paglalagay ng basang maliit na tela sa kanyang noo.
3. Hindi magandang inilalabas ng bahay si baby para lang mamasyal, maliban na lang kung nagbibilad kay Haring Araw sa umaga. Hangga‘t wala pa siyang isang taon, hindi muna siya dapat dalhin sa malalayong lugar, maliban lang kapag talagang kailangan.
4. Kapag nasa anim na buwan na ang baby, puwede na siyang subuan ng ilang butil ng kanin.
5. Huwag iiwan nang mag-isa ang baby at kung hindi ito maiiwasan, pansamantala ay magandang may tumutugtog na masayang musika.
6. Hindi tamang ang silid-tulugan ni baby ay walang bukas na ilaw.
7. Kapag iyak siya nang iyak, tingnan kung siya ay nalalamigan. Kadalasan, ang damit ni baby ay nawawala sa ayos at lumilitaw ang tiyan kaya napapasukan ng lamig. Ganundin ang mga paa, tingnan kung ang mga ito ay nakalantad dahil kapag wala itong medyas ay papasukin ng lamig ang katawan ng sanggol. Ito rin ay nagsasabing mahalagang madalas na tingnan kung basa ang damit ni baby.
8. Kailangang yakapin ng ina ang baby hanggang sa siya ay makatulog. Puwedeng siya ay tapik-tapikin ng kanyang ina o ama hanggang sa siya ay makatulog kaya mas maganda kung siya ay ihehele sa saliw ng nakahihimbing na musika.
9. Maganda rin na ang baby ay kinakausap ng ina kahit sa biglang tingin ay hindi pa siya nakaiintindi. Ito rin ay inirerekomendang gawin ng kanyang ama.
10. Mahalaga rin na nilalaro ang sanggol para siya ay mapangiti.