Mag-ingat sa Pakikipag-usap
Yong telepono, Victor! Ikaw na ang sumagot," ang sabi ni Ate Becky.
"Hello? Opo, dito nga po. Bakit po?" ang tanong ni Victor sa kausap.
May ilang saglit na lumipas "Po? Naaksidente at kailangang dalhin agad sa
ospital? Nagkakamali po yata kayo. Kani-kanina lang po ay tumawag dito sina Mommy
at sabi ay pauwi na sila."
"Ano daw iyon?"ang tanong ni Ate Becky nang ibinaba na ni Victor 'yong telepono.
"Sabi ng kausap ko, naaksidente daw sina Mommy kanina. Kailangan daw pun-
tahan agad sa ospital at tuturuan niya ako ng dapat gawin."
"Ha? Paanong mangyayan iyon?" ang tanong ng kaniyang Ate Becky. "Hindi nga ako
naniwala at naisip kong manloloko iyon kaya agad-agad kong ibinaba ang telepono," ang
pahayag ni Victor
Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Nang buksan nila ito, bumungad ang kanilang
Mommy at Daddy na maraming dalang pinamili sa palengke.
"Mukhang masinsinan yata ang pinag-uusapan ninyong magkapatid?" ang bungad
ng mag-asawa.
Ikinuwento ni Victor ang tungkol sa tawag sa telepono.
"Naku, mabuti na lang. Anak, at hindi ka naniwala. Marami talagang manloloko
sa panahon ngayon. Ang galing talaga ng anak ko!" ang sabi ng Mommy niya sabay
halik sa kaniya.
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi gumamit ng mapanuring pag-iisip si Victor ipaliwanag.
2. Kung mahaharap ka sa sitwasyong tulad ng kay Victor, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?
Share
Answer:
1. Maari siyang mapahamak lalo na't masama ang binabalak ng mga taong iyon kung sakaling naniwala si Victor.
2. Oo naman, syempre kailangan kong mag-ingat at mahirap ng maloko.