mag saliksik ukol sa ibat Ibang pokus ng pandiwa?
please paii sagot po yung maayos Sana☹️
Share
mag saliksik ukol sa ibat Ibang pokus ng pandiwa?
please paii sagot po yung maayos Sana☹️
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
1. Pokus sa Tagaganap o Aktor- Kapag ang simuno o paksa ang gumaganap ng kilos sa pangungusap. Hal: Ang kapayapaan ay lumalaganap. Paksa, gumaganap ng kilos Pandiwang nakapokus sa Paksa
2. Pokus sa Layon o Gol – Kung ang layon ay ang paksa o ang binibigyang diin sa pangungusap. Halimbawa: Iniuwi namin ang pagkaing natira. Pandiwang nakapukos sa layon layon na siyang paksa ang binigyang- diin
3. Pokus sa Tagatanggap ( Benepaktib)- kung ang pinaglaanan ng kilos ang siyang pokus ng pangungusap. Hal. Ibinili ko ang nanay ng pasalubong. Pandiwang nakapokus sa tagatanggap tagatanggap na siyang binibigyang diin
4. Pokus sa Ganapan o Lugar ( lokatib)- kung ang paksa o pokus ng pangungusap ay ang lugar o pinangyarihan ng kilos. Hal. Ang ilog ay pinaglabanan ni Handiong at ng mga halimaw. Pinangyarihan ng kilos pandiwang nakapokus sa ganapan Na siyang paksa
5. Pokus sa Direksyon- kung ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa. Hal. Pinasyalan namin ang parke. Pandiwang nakapokus sa direksyon paksa na nagsasaad ng direksyon