magbigay ng 2 epekto sa katawan ng pag-aabuso sa paggamit ng caffeine,tabako at alkohol
Home
/
magbigay ng 2 epekto sa katawan ng pag-aabuso sa paggamit ng caffeine,tabako at alkohol
magbigay ng 2 epekto sa katawan ng pag-aabuso sa paggamit ng caffeine,tabako at alkohol
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang caffeine ay isang uri ng gamot na natural na matatagpuan sa mga dahon at buto ng maraming uri ng halaman. Maaari rin itong gawin sa artipisyal na pamamaraan at ilahok sa mga pagkain. Ito ay itinuturing na gamot o drugs dahil sa nagpapagising ito sa ating central nervous system na nagiging sanhi ng pagiging aktibo ng isang indibidwal. Matatagpuan ito sa maraming inumin tulad ng kape, tsokolate, at soft drinks, gayundin sa mga pain relievers at mga gamot na mabibili ng walang reseta. Mapait ang lasa ng caffeine kung kaya’t dumadaan sa mahabang proseso ang mga inuming may caffeine upang mawala ang pait ng lasa nito. Ang caffeine ay hindi naiiwan sa katawan ngunit mararamdaman ng isang tao ang epekto nito sa loob ng anim na oras. Ito ay itinuturing na diuretic, nagiging sanhi ito ng pag- ihi ng madalas ng mga taong kumokunsumo nito. Ang mga pagkaing may gamot na caffeine ay karaniwang mabibili sa mga botika, sari- sari stores, groceries at maging sa convenience stores. Maraming pagkain at inuming may caffeine tulad ng nasa listahang inihaanda ko.
Alcohol ang pag- inom ng mga inuming may alcohol tulad ng beer at alak ay nagdudulot din ng adiksyon. Ang alcohol ay nilikha mula sa katas ng prutas, o gulay na tinatawag na fermented. Ang alcohol ay parang tubig o Kristal dahil sa kulay nitong puti. Ang pagbuburo ay isang proseso na gumagamit ng yeast o bakterya upang baguhin ang sugars sa pagkain sa alak. Ang Pagbuburo ay ginagamit upang makagawa ng maraming mga kinakailangang mga item. Ang alcohol ay may iba't ibang mga form at maaaring magamit bilang isang malinis, o isang antiseptiko, o di kayay isang gamot na pampakalma.
Ang beer, alak at iba pang inuming may alcohol ay isa sa malawakang inuming kinukunsumo sa maraming bansa sa mundo. Katulad ng tabako, ang alcohol ay isa sa mga legal na gateway drugs na pinagsisimulan upang ang isang tao ay malulong sa ipinagbabawal na gamot. Sa simula, ang pag-inom ng alak ay ginagawa sa tuwing may mga okasyon lamang ngunit sa pagtagal, ang pag- inom ng alak ay nagiging karaniwang gawain at libangan. Kahit ang isang tao ay hindi maitutring na alcoholic, malaki ang posibilidad na matuto rin siyang gumamit at malulong sa ipinagbabawal na gamot. Nangyayari ito, tuwing siya ay lasing o nagiging gawi dahil nakararanas siya ng kasiyahan sa paggamit nito.
Ito po sagot. Brainliest po. salamat :)