magbigay ng halimbawa ng mitolohiya sa pilipinas
Share
magbigay ng halimbawa ng mitolohiya sa pilipinas
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Napakaraming mitolohiya ng mga Pilipino. Ang mitolohiyang Pilipino at mga kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga salaysay at pamahiin hinggil sa mga masalamangkang mga nilalang at nilikha ng mga Pilipino. Ito'y mga paniniwala na mula sa mga panahon bago dumating ang mga Espanyol at ipinakilala ang Kristyanismo. Ang mitolohiyang Pilipino ay binubuo ng mga diyos at diyosa, mga hayop at halimaw, mga mahiwagang nilalang at mga diwata. Ito rin ay binubuo ng mga panitikang gaya ng mga epiko, alamat at mga kuwentong bayan na nagpasalin-salin sa pamamagitan ng berbal na pagkukwento.
Hangang ngayong ang paniniwala sa mga diyus-diyusan sa mitolohiyang Pilipino ay mapapansing pinag-ugatan ng ating mga paniniwala’t pamahiin. Naging parte na ito ng buhay ng mga Pilipino at makikita ang mga ito sa kultura, mga tradisyon at sining sa Pilipinas. Ang mga mitolohiyang Pilipino ay medyo buhay pa rin sa mga probinsiya at kanayunan.
Makikita ang pagkakabuo ng mga mitolohiya bago pa man dumating ang mga sina-unang tao sa Pilipinas. Mayroon na ng mga sariling relihiyon gaya ng Animismo ang mga lumang Pilipino. Gaya ng mga ninuno sa iba’t ibang parte ng mundo ay sumasamba na sa kalikasan ang mga tao. Ang ilan ay tinatawag itong paganism. Ang mga paniniwala nila ay inipluwensiyahan ng mga banyagang Indiyano, Malay at mga Indones. Ang mga ito ay naglalakbay para sa paninirahan at pangangalakal.
Ang mga halimbawa ng kwentong mitolohiya sa Pilipinas ay:
1. Ang Mga Kwentong Mitolohiya tungkol sa Diyos at Diyosa sa Pilipinas (o Mga Diyos at Diyosa ng mga Ninunong Pilipino)
2. Sirena at si Santiago
3. Puting Usa Mito
4. Bugan at Kinggauan (Ifugao)
5. Kabunyian (Benguet)
6. Tungkung Langit at Alunsina
**********************************************
Narito ang ilan sa mga kilala’t popular na mga mitolohiya sa Pilipinas:
Bathala – kilala rin bilang Maykapal. Ang siyang lumikha ng lahat at ng buong sanlibutan. Inihahambing sa Diyos ng mga Kristyano.
(Kung hinahanap ang "bathala mitolohiya", tingnan ang link na ito: Ano ang ibig sabihin ng Bathala - brainly.ph/question/586573)
Mga Aswang – pinaniniwalaang nakakasindak, maaaring diyos o tao na kumakain ng kapwa tao, pinapaniwalaan ng iba na may mga pakpak at tanging gising kung gabi kung kailan madilim para maghanap na makakain gaya ng mga sanggol at mga buntis.
Mga Duwende – maliliit na tao na may mga mahiwagang kapangyarihan.
Kapre – halimaw na higante at sobrang mabalahibo, nakakatakot at pinaniniwalaang mahilig sa tabako
Maligno – nilalang na nahahati sa mabuti at masama, nagbibigay gantimpala sila o kaya ay gumaganti.
Manananggal – may kakayahang magbago ng anyo tuwing kabilugan ng buwan, nahahati ang katawan at may pakpak.
Tikbalang – mala-kabayo o kaya ay kalahating kabayo-kalahating tao
Tiyanak - sanggol na nagiging halimaw at sa tuwing sasapit dilim at kabilugan ng buwan, lalong mabangis. Para makaakit ng bibiktimahin, iiyak ito na parang sanggol na itinapon kung saan, kaaawaan ng makakarinig at susubukang sagipin.
Amanikable – diyos ng karagatan
Sitan – taga-bantay ng mga kaluluwa ng Kasamaan
Mayari (buwan), Tala (mga bituin), Danan (umaga) – mga anak ni Bathala
Apolaki – diyos ng araw, patron ng mga mandirigma
*Marami pang mga diyos at diyosa ang mitolohiyang Pilipino. Iyan lamang ay iilan.
***********************************************
Isa sa mga paborito kong mitolohiya ay ang Bakunawa na siyang nagiging dahilan ng eclipse. Pinaniniwalaan na kapag kinakain ng Bakunawa ang buwan, kailangang mag-ingay ng mga tao upang iluwa nito pabalik sa kalangitan ang buwan. Sa mga Bagobo ay tinatawag nila ang halimaw na ito na “Minokawa”. Ang ibang ninuno ay naniniwalang hindi ito halimaw kundi isang higanteng alimango na tinatawag nilang “Tambanokawa”. Ang mga Pilipinong Muslim na man ay sinasabing “Arimaonga” ang kumakain ng buwan at ito ay isang halimaw na higanteng leon.
(Maaaring puntahan ang link na brainly.ph/question/987532 para basahin ang mga “Superstitious beliefs about eclipse and scientific explanation”)
****************************************
Espesyal naman ang mitolohiyang Tungkung Langit at Alunsina.
Ito ay ang mag-asawang diyos at diyosa na siyang naging alamat ng pagkakaroon ng magagandang tanawin, liwanag at maningning na gabi. Higit sa lahat ito ay naging alamat ng pag-ulan sa Pilipinas.
(Tingnan din: Ilarawan ang relasyon ni tungkung langit at alunsina - brainly.ph/question/33153)