magbigay ng isang paglalahad tungkol sa papel na ginagampanan ng sektor ng agrikultura sa pagpapaunlad ng ekonomiya
Home
/
magbigay ng isang paglalahad tungkol sa papel na ginagampanan ng sektor ng agrikultura sa pagpapaunlad ng ekonomiya
Answer:
SEKTOR NG INDUSTRIYA
Ang sektor ng industriya ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa dahil ito ay lumilikha ng produkto at paglilingkod na kailangan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan. Pinagkukunan din ito ng buwis ng pamahalaan na ginagamit upang matustusan ang mga gastusin, programa, at proyekto para na din sa ikabubuti ng bansa.
May 4 na sektor ng industriya:
Pagawaan/Manupaktyur
Utilidad/Serbisyo
Konstruksyon
Pagmimina
MANUPAKTYUR/PAGAWAAN
Noong 2004, ang pagmamanupaktyur sa bansa (Pilipinas) ay mayroong kontribusyon na 24% sa GDP ng Pilipinas. Mas malaki ang bahagi ng sektor ng pagmamanupaktyur kaysa sa iba tulad ng agrikultura at pangingisda. Ang tradisyunal na tungkulin ng pagmamanupaktyur sa Pilipinas ay ang proseso ng pagkain. Ang makina na ginagawa ay upang magproseso ng bigas, mais, asukal at iba pang mga pangunahing sangkap sa pagkain.
SERBISYO/UTILIDAD
May tatlong pangunahing oportunidad para mapalawak ang sektor ng serbisyo. Una, pagpapalawak sa laki at saklaw ng pang-export para sa modernong serbisyo. Ikalawa, pagpapalawak ng turismo para sa pagunlad ng ekonomiya ng bansa. Ikatlo, pinapaunlad nito ang mga gawain upang ang mga Pilipino ay hindi na magtrabaho sa ibang bansa at manatili na lamang dito. Malaki rin ang kontribusyon nito s bansa dahil natutugunan nito ang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan tulad na lamang ng tubig, pagkain, elektrisidad, at pangangailangan sa kalusugan.
KONTRUKSYON
Ayon sa isang artikulo, naging 46% ang bahagi ng konstruksyon sa bansang Pilipinas dahil sa pagdami ng mga malalaking gusali, planta at pabrika. Malaking tulong ito para sa mga mamamayan na ngangailangan ng trabaho. Tulong din ito sa ekonomiya ng bansa anupat darami ang magtatrabaho sa loob mismo ng bansa at hindi na kailangan ng mga Pilipino na dumayo pa sa kabilang mga bansa para lamang makahanap ng pagkakabuhayan. Nasusukat na ngayon ang estado ng bansa sa pamamagitan ng dami ng mga gusali o konstruksyon. Kung patuloy na darami ito ay tiyak na uunlad ang bansa natin sa sektor ng industriya.
PAGMIMINA
Bagaman marami tayong makukuha na yamang-mineral sa mga kabundukan at kagubatan sa bansa, napakalaki pa rin ng pinsala nito sa ating kalikasan. Maaaring isa ito sa mga dahilan kung bakit umuunlad ang ating bansang Pilipinas ngunit dumarami ang kalamidad katulad ng landslide na maaaring ikapahamak ng taong bayan. Maituturing na ilegal ang gawaing pagmimina dahil buhay ng tao at kalikasan ang sangkot dito.
Ang apat na sektor ng industriya na ito ay malaki ang maitutulong upang mapaunlad ang ating bansang Pilipinas. May kaniya-kaniya itong tungkulin at paraan ngunit ang lahat ng ito ay tungo sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.
KAHALAGAHAN NG SEKTOR NG INDUSTRIYA
Bukod sa mga trabahong ibinibigay sa mga mamamayan, ito ay nakakatulong sa pagtaas ng antas ng produksyon ng isang bansa. Dito maiaangat ang antas ng ekonomiya ng isang bansa.