Magbigay ng tatlong misyonero na nagpalaganap ng relihiyong Katoliko dito sa ating bansa.
Share
Magbigay ng tatlong misyonero na nagpalaganap ng relihiyong Katoliko dito sa ating bansa.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
FERDINAND MAGELLAN AND MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI SORRY KUNG DALAWA LANG
Explanation:
Ngayon nais ko naman bigyan pansin kung paano nagsimula ang kristiyanismo sa Pilipinas. Ang mga dayuhang kastila ang nagpakilala ng kristiyanismo dito sa bansa at ito ay naganap noong 1521. Isang Portuges na nagngangalang Ferdinand Magellan ang naglayag at namuno sa ekspedisyon sa ilalim ng watawat ng Espanya ang dumaong sa baybayin na sa pagkakaalam ko sa Sentral na bahagi ng bansa at ito ay sa Cebu. Ang lupaing iyon ay pinamumunuan ng isang Rajah si Humabon at Reyna si Juana. Tatlo ang layunin ng mga kastila ng dumaong sila sa Cebu. Una, ang pakikipagkalakaran, pangalawa, upang saklawin o sakupin ang teritoryo at ang pangatlo ay ipalaganap ang kristiyanismo.
Kaya nung araw na iyon agad na nakipagkasundo si Magellan kina Rajah Humabon at Reyna Juana. Sinasabing napagaling ng isa sa tauhan ni Magellan ang apo ng Rajah na may karamdaman kaya ito ang nagbigay daan upang magpabautismo ang Rajah at Reyna pati ang mga alagad nito sa isang misa na dinaos, yun rin ang kauna-unahang misa na naganap sa kasaysayan ng Pilipinas. At bilang tanda nagtayo ng isang krus si Magellan bilang simbolo ng pagpapalaganap ng kristiyanismo sa bansa, at hanggang ngayon makikita ang krus na ito na nakadisplay sa isang maliit na kapilya sa Cebu. Si Ferdinand Magellan ay napatay ng isang katutubo na si Lapu-Lapu kaya ang misyon ni Magellan ay pinagpatuloy ni Miguel Lopez de Legaspi, nagawa nilang masakop ang Pilipinas at matagumpay nilang naipalaganap ang kristiyanismo pero lang sa katimugang bahagi ng bansa ito ay sa Mindanao dahil bago pa man dumating ang mga kastila sa Pilipinas laganap na ang Islam sa Mindanao, sa pagkakaalam ko ang mga muslim ay naninirahan na sa Mindanao noong ika-13 o 14 na siglo, at ang mga kastila naman ay dumating noong ika-15 siglo na. Nahirapan silang kumbinsihin ang mga sultan na magpabautismo sa kristiyanismo bagkus pinaglaban pa ng mga muslim ang kanilang relihiyon, kaya may mga kapatid tayong pilipinong muslim sa ibang bahagi ng Mindanao. Ngayon kung hindi siguro dumating ang mga kastila noon malamang ang Pilipinas ay isang Islam na bansa at hindi siguro Pilipinas ang tawag sa bansa natin, dahil ito ay sinunod sa pangalan ng Hari ng Espanya.
Pasalamat na rin sa Panginoon dahil sa mga kastila na dumating noon, sila ang nagpalaganap ng kristiyanismo dito sa bansa at ang Pilipinas ngayon ang bansa sa buong Asia na may pinakamalaking bilang ng mananampalatayang katolikong kristiyano. Sa katunayan, at base sa pagkakaalam ko ang mga naglilingkod at namumuno sa ating simbahan ngayon dito sa bansa ay naghahanda sa nalalapit na ika-500 anibersaryo ng kristiyanismo dito sa Pilipinas at ito ay idaraos sa taon 2021. Salamat sa mga kastila dahil palaganap na rin noon ang Islam sa hilaga at sentral na bahagi ng bansa at kung hindi dahil sa kanila hindi ko ito ginagawa ngayon.