magsalaysay sa sariling karanasan tungkol sa pagbabagong buhay
Share
magsalaysay sa sariling karanasan tungkol sa pagbabagong buhay
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ito ay karanasan ng isang mahalagang kaibigan na sadyang malapit sa akin.
Lubos ko rin pong dinaramdam ang mga bagyong dumarating sa kanilang pamilya. Minsan kasi, muntik nang magkawatak-watak ang kanilang pamilya. Ito'y nagsimula nang sila'y dito pa nakatira sa Pilipinas.
Ang haligi ng kanilang tahanan ay parang walang iniindang responsibilidad sa pamilya nang sila'y nandito pa. Akala ko noon ay okey lang sa ilaw ng tahanan ang kanilang sitwasyon. Para kasing walang problema sa kanya ang kanilang sitwasyon.
Pinili niyang magpatuloy sa araw- araw, magtrabaho para mapakain at mapaaral ang kanilang mga anak. Ilang taon din na ganyan ang kanilang sitwasyon hanggang sa dumating ang biyaya na silang buong pamilya ay nakapag migrate sa Amerika.
Pagdating nila doon, noong una ay okey pa. Masaya sila kahit hindi pa sila ganun ka stable financially dun. Nang nagkasakit ang haligi ng tahanan minsan ay pinagsilbihan pa rin ng ilaw ng tahanan ang kaniyang asawa.
Ngunit, nang walang makitang trabaho ang lalaki doon sa state na kanilang tinitirhan, nagpasya ito na dumayo sa ibang state upang doon magtrabaho kasama ang kaniyang mga kapatid.
Noong unang ilang araw ng kanilang pagkakahiwalay, okey pa ang lahat. Okey pa ang kanilang komunikasyon. Ngunit kalaunan ay naging possessive na ang lalaki tuwing hindi nakasagot ang kaniyang asawa. Naging malabo ang kanilang relasyon hanggang sa
isang araw, nalaman na lang namin na nag file na ng divorce ang babae.
Simula noon, naging malungkutin na ang lalaki at napagtanto niya kung gaano pala kahalaga ang kaniyang asawa at pamilya para sa kanya.
Sinuyo niya ang mga ito sabay hingi ng tawad sa mga nagawa. Buti na lang, binigyan ng babae ang kanyang asawa ng pagkakataong magbago. Ang magandang balita ay nagbabago talaga ang lalaki at hihndi na naging pabaya sa kanila. Kinuha na rin niya ang kaniyang buong pamilya at sila ay namumuhay na ngayon ng masaya na magkasama.
Tunay nga na hindi natin malalaman ang halaga ng isang bagay, tao o sitwasyon hanggang sa mawala ito.