Magtala ng limang kahalagahan ng panahon ng renaissance ayon sa talahayan.
Share
Magtala ng limang kahalagahan ng panahon ng renaissance ayon sa talahayan.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Mga Epekto o Bunga ng Renaissance
Nagpalawak ng kaalaman tungkol sa daigdig.
Sa panahon ng Medieval Period pinaniwalaan na ang mundo ang sentro ng sansinukob. Dahil sa Renaissance ay nabago ang pananaw sa daigdig, na ang araw at hindi ang daigdig ang sentro ng sansinukob.
Pinahina nito ang kapangyarihan ng papa at mga Maharlika.
Ang mga akda ng mga humanista tulad na lamang ng akda ni Erasmus na In praise of Folly ang naging daan upang tuligsain ang teolohiyang eskolastika, pang-aabuso ng mga kaparian at ang mga maling gawa ng mga maharlika.
Pinagyaman ang kabihasnan ng daigdig.
Ang impluwensiya ng Renaissance sa pag-yaman ng kabihasnan ay dahil na rin sa pag-unlad ng mga kaisipan at obra na may kaugnayan sa politika, sining, panitikan, kasaysayan at maging relihiyon na nagbukas sa kaisipan at kapasidad ng mga tao.
Nagbigay-daan sa Intellectual Revolution.
Ang pag-usbong ng Renaissance ay nagdulot ng pag-uusisa at hilig sa kaisipang klasikal o Intellectual Revolution. Ito ay ang kaalaman at ang diwa ng pagtatanong na pumukaw sa pagnanasang pag-aralan ang nakaraan at gawing kapakipakinabang sa kasalukuyan.
Nagbigay-daan sa Rebolusyong Protestante o Reformation.
Ang pagkamulat sa makabagong kaisipan ay nagbigay diin sa rebulosyong Protistantismo at Repormasyon (pinangunahan ni Marthin Luther) na naghahangad ng reporma o pagbabago sa simbahan.
For reference, kindly see the attached file below: