mahahalagang pook sa Kanlurang Asya noong sinaunang
panahon.
Share
mahahalagang pook sa Kanlurang Asya noong sinaunang
panahon.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
MPERYO: Sumerian (3500 BCE) Pag-unlad/Kontribusyon
• Cuneiform – unang nabuong sistema ng panulat. Ginagamian ng 600 pananda sa pagbuo ng mga salita o ideya.
• Gulong – sa pagtuklas nito, nagawa nila ang unang karuwahe.
IMPERYO: Sumerian (3500 BCE) Pag-unlad/Kontribusyon
• Sistema ng panukat ng timbang at haba
• Organisadong puwersa ng pagpapatayo ng dike
IMPERYO: Sumerian (3500 BCE) Pagbagsak
• Madalas na labanan at kawalan ng pagkakaisa ng mga lungsod estado nito .
• Madalas na pinagtatalunan nila ang patubig at hangganan ng mga lupain
IMPERYO: Akkadian (Circa 2700-2230 BCE) Pag-unlad/Kontribusyon • Si Haring Sargon, isang mananalakay buhat sa Akkad ay nagtatag sa lugsod-estado para makaisa ang mamamayan. Pinalawak niya ang teritoryo ng Akkad bilang pnuno sa pamamagitan nang pananakop sa mga digmaan.
IMPERYO: Akkadian (Circa 2700-2230 BCE) Pag-unlad/Kontribusyon
• Pinaunlad ang sistema ng pagsusulat
• Maraming literatura ang nasalin at umusbong sa imperyong ito.
IMPERYO: Akkadian (Circa 2700-2230 BCE) Pagbagsak
• Naging mahina ang kanilang sistema nang pagtatanggol sa kanilang teritoryo kaya madali silang nasalakay ng mananakop.
• Kawalan ng tiwala sa mga namumuno kaya lumikas ang maraming mamamayan sa ibang lugar
IMPERYO: Babylonian (Circa 1790 -1595 BCE) Pag-unlad/Kontribusyon
• Si Hamorabi ang ika-anim na haring Amorite ay pinalawak ang kaniyang kaharian na umabot sa Gulpo ng Persian. Ang code of Hammurabi ay isa sa pinakamahalagang ambag sa sinaunang kabihasnan. Ang Kodigong ito ay binubuo ng 282 batas na nagsisilbing pamantayan ng kabihasnang Babylonia. Sakop ng Kodigong ito ang karapatang mamamayan at ari-arian nito.
IMPERYO: Babylonian (Circa 1790 - 1595 BCE) Pagbagsak
• Nang pumanaw si Hammurabi naganap ang mga pag-atake ng iba’t ibang grupo na siyang nagtulak upang maitatag ang pamayanang Hittite sa Babylonia.
IMPERYO: Assyrian(Circa 645 -612 BCE) Pag-unlad/Kontribusyon • Gamit ang dahas at bakal, lumakas ang puwersa at estratehiya ng Assyrian. • Pinakaunang pangkat ng tao na nakabuo ng epektibong sistema ng pamumunong imperyo.
• Epektibong serbisyong postal.
• Maayos at magandang kalsada.