Mahalaga ba ang magkakaroon ng kalayaan? Bakit?
Share
Mahalaga ba ang magkakaroon ng kalayaan? Bakit?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Unang-una sa lahat, ang Pilipinas bilang isang bansa ay dapat lamang maghangad ng kalayaan mula sa kahit na ano o sinong dayuhan. Dito pa lamang sa mentalidad na ito ay mararamdaman na natin kung bakit napakahalaga ng kalayaan para sa mga Pilipino. Kalayaan ay kasarinlan. Ang kasarinlan ay pagpapahalaga sa ngalan, kanyang minamahal na tinubuan lupa, at higit sa lahat sa buhay ng mga tao, buhay ng mga mamamayang Pilipino.
Ang pagiging alipin ng hindi kagustuhan ng ating damdamin ay kawalan ng kalayaan. Ito na siguro ang pinakamasaklap na maramdaman ng isang tao o ng isang bansa dahil nabubuhay siyang burado ang kanyang kasarinlan.
Kaya napakahalaga ng pagtamasa ng kalayaan dahil bilang isang Pilipino, matatamasa ang mga karapatan dahil kakambal ng kalayaan ang responsibilidad o pananagutan – pananagutan na walang kinikilingan sa lahat ng buhay. Kung ang bawat isa ay may pakialam sa buhay ng isang tao, batid nito ang kalayaan nitong mabuhay at batid din nito na responsibilidad natin na maprotektahan ang kaniyang mga karapatan para mabuhay. Ganito kahalaga ang kalayaan dahil batid nating lahat na kailangan igalang at pangalagaan ang kalayaan ng isang tao o ng kapwa tao.
Answer:
Oo, mahalagang magkaron ka ng kalayaan sa BUHAY mo dahil dito mo makikilala kung Sino ka at ano tunay mong pagkatao dahil malaya kang makakapagisip at makakatuklas ng mga bagay na hindi mo nadama.