mahalaga ba ang pagdarasal? bakit?
Share
mahalaga ba ang pagdarasal? bakit?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Kahalagahan ng Panalangin
•Ano ang Panalangin? Ang panalangin ay ang paraan ng tao upang makipag-usap sa Diyos. Ito ay isang uri ng komunikasyon upang sumamba, magpasalamat, humingi ng tawad, humiling, dumaing at magpuri. Maaari niya itong gawin sa umaga (panalangin sa umaga), sa tanghali at sa gabi (panalangin bago matulog). Kung tutuusin, ang isang kristiyano ay maaaring umusal ng panalangin kahit na anong oras. Sapagkat ang pakikipag-usap sa Panginoon ay hindi nangangailangan ng limitasyon at walang hangganan. Wala rin itong itinakdang oras o panahon.
Kahalagahan ng Panalangin
• Ang panalangin o ang pagdarasal sa ating Diyos ay pagpapatunay na tayo ay may malakas at matibay na pananampalataya sa Diyos. Ang pakikipag-usap natin sa Kanya – sa pamamagitan ng pagdarasal ,ang siyang nagiging daan upang makalapit tayo sa Kanya at maging karapat-dapat sa kanyang harapan. Kung ang isang tao ay mapananatili ang ganitong gawain, susuklian siya ng mabuting kalooban galing sa Itaas. Kahit na ito ay isang tula na panalangin, sanaysay, maikli o mahaba, basta't naroroon ang taimtim na pagnanais na makausap ang Diyos, tiyak na pakikinggan ang mga ito.