Mahalaga pa bang may kaalaman ka sa mga karunungang-bayan sa panahon ngayon? Bakit?
Share
Mahalaga pa bang may kaalaman ka sa mga karunungang-bayan sa panahon ngayon? Bakit?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Oo, mahalaga pa rin ang kaalaman sa mga karunungang-bayan sa panahon ngayon. Ang mga tradisyunal na kaalaman at kasanayan ay naglalaman ng malalim na ugnayan sa kultura, kasaysayan, at kalikasan ng isang bansa. Ito ay nagpapalaganap ng pag-unawa at pagpapahalaga sa ating mga pinagmulan, nagbibigay daan para sa identidad at pagkakakilanlan, at nag-aambag sa pagpapalaganap ng pagpapahalaga sa ating mga kagubatan, hayop, at likas na yaman. Sa pamamagitan ng pagpapalaganap at pagpapahalaga sa mga karunungang-bayan, nagiging buhay ang mga tradisyon at kultura ng isang lipunan.
Answer:
~Mahalaga pa bang may kaalaman ka sa mga karunungang-bayan sa panahon ngayon? Bakit?~
Ang bugtong, salawikain, idyoma, kasabihan, at palaisipan ay ang mga napapaloob sa kategoryang karunungang bayan. Ang mga ito ay mula pa sa ating mga ninuno na kanilang inaalagan upang maipasa sa susunod na mga henerasyon.
Ito ay isa sa mga mahalagang kultura ng ating bayan ngunit wari’y naisasawalang bahala na lamang ng karamihan. Sabay ng pag usad ng teknolohiya sa buong mundo ay ang dahan dahan ring paglimot ng mga mahahalagang bagay na itinuro pa sa atin ng ating nakaraan.
Itong karunungang bayan ay dapat nating pahalagahan dahil ito ang isa sa naging pundasyon ng ating pagka-Pilipino. Hindi lamang ito simpleng grupo ng mga salita kundi mga kaalaman na kung saan magtuturo sa atin ng aral at mga importanteng pananaw sa buhay tulad ng salawikain, idyoma, at kasabihan.
Ang bugtong at palaisipan ay sa pamamaraan na parang isang laro lamang ngunit tulad ng ibang karunungang bayan ay makakapagpalawak rin ng ating pag-iisip ang mga ito. Tunay ngang maparaan ang itong ninuno dahil nakapag-isip sila ng iba’t ibang paraan upang maturuan ang panahon ng bukas kahit na galing pa sila sa kanilang panahon.
Ang pagpapahalaga sa karunungang bayan ay hindi lamang makakatulong sa atin sa buhay kundi ito rin ay nagpapahiwatig ng ating paggalang sa ating mga ninuno at ang ating pagtanaw sa ating pinanggalingan.
#BetterWithBrainly