maikling deskripsyon sa pagpupulong sa Tejeros
Share
maikling deskripsyon sa pagpupulong sa Tejeros
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer: Ang Kapulungan sa Tejeros o Kumbensiyon sa Tejeros ay ang pagpupulong ng dalawang paksiyong manghihimagsik ng Himagsikang Pilipino na ginanap sa Casa Hacienda ng Tejeros sa bayan ng San Francisco de Malabon (ngayo'y General Trias), Cavite noong 22 Marso 1897. Ang naturang paksiyon ng Katipunan na nagpulong dito ay ang Magdiwang na pinamumunuan ni Andres Bonifacio, at ang Magdalo na pinamumunuan naman ni Emilio Aguinaldo.
Answer:
Noong 22 Marso 1897, nagkaroon ng pagpupulong sa Tejeros, isang baryo sa San Francisco de Malabon, Cavite, ang dalawang paksiyon ng Katipunan sa lalawigan—ang Magdíwang na pinamumunuan ni Mariano Alvarez, tiyuhin ni Andres Bonifacio, at ang Magdaló na pinan- gungunahan ni Baldomero Aguinaldo, pinsan Heneral Emilio Aguinaldo. Ito ang tinatawag ngayong Kumben siyóng Tejéros (Te·hé·ros). Layunin ng kumbensiyong ito na bumuo ng mga plano at pagkilos upang palakasin ang depensa sa Cavite. Gayunman, sa halip na talakayin ang nasabing dahilan ng pagpupulong, nagdesisyon ang mga lider ng Katipunan sa naturang probinsiya na magtatag ng bagong rebolusyonaryong gobyerno kapalit ng Katipunan at maghalal ng mga opisyal para dito.