maliban sa presyo,anu-ano ang salik na nakapagpalipat ng demand curve,maaring lumipat pakanan maari ding pakaliwa.ipaliwanag kung paano and paggalaw ng demand curve
Home
/
maliban sa presyo,anu-ano ang salik na nakapagpalipat ng demand curve,maaring lumipat pakanan maari ding pakaliwa.ipaliwanag kung paano and paggalaw ng demand curve
Maliban sa presyo, may mga iba pang salik na nagpapabago sa demand. Kabilang sa mga ito ang kita, panlasa, bilang ng mamimili, inaasahan ng mamimili, at presyo ng kahili o kaugnay na produkto.
Kita
Nakaapekto sa demand ang pagtaas o pagbaba ng kita ng mga mamimili. Ang epekto ng kita sa demand ay nagdedepende sa uri ng produkto, kung ito ay normal goods o inferior goods. Sa ganitong pagkakataon hindi na presyo ang nagpapalipat sa kurba ng demand kundi ang iba pang mga salik ng demand tulad ng kita, panlasa, at dami ng mamimili na susunod na tatalakayin.
Tandaan na kapag lumipat sa kanan ang kurba ng demand ito ay nangangahulugan ng pagtaas ng demand sa bawat presyo, habang ang paglipat nito sa kaliwa ay nagpapahiwatig ng pagbaba ng demand sa bawat presyo.Ang normal goods ay mga produkto na tumataas ang demand sa pagtaas ng kita ng mamimili.
Panlasa
Isang mahalagang salik ang panlasa. Malaki ang nagiging epekto nito sa pagtaas o pagbaba ng demand ng mga mamimili. Sa kabilang banda, ang panlasa ay maaaring tumugma sa kasarian, edad, kultura,kilma, okasyon, kamulatan, edukasyon, at estado sa buhay.
Bilang ng Mamimili
Ang malaking populasyon ay nangangahulugan na marami ang mamimili. Ang pagdami ng mamimili ay magiging sanhi ng paglaki ng demand sa mga produkto at serbisyo. Samakatuwid lilipat ang kurba ng demand pakanan. Lilipat naman pakaliwa ang kurba ng demand kung liliit ang bilang ng mga mamimili.
Inaasahan ng Mamimili
Kung inaasahan ng mga mamimili ang pagtaas ng presyo sa hinaharap tataas ang demand para sa produkto sa kasalukuyan. Ito ay magiging daan sa paglipat ng kurba ng demand sa kanan.
Presyo ng Kahalili o Kaugnay na Produkto
Ang presyo ng kahalili (substitute good) o komplementaryo (complementary good) na produkto ay may epekto sa demand ng mga mamimili. Ang kahaliling produkto ay tumutukoy sa isang produkto.
pa-follow at pa-brainliest po. thanks