maling paniniwala kaugnay sa pagbibinata at pagdadalaga
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Mga Maling Paniniwala Kaugnay sa Pagbibinata at Pagdadalaga
Sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga, ang isang tao ay nakakaranas ng iba't ibang pagbabago sa katawan. Ang mga pagbabagong ito ay nakakaapekto sa pisikal, mental, emosyonal at sosyal na aspekto ng pagkatao. Kasama na nga sa mga pagbabago ang mga paniniwala ng mga Pilipino tungkol sa pagbibinata at pagdadalaga. Karamihan sa mga paniniwalang ito ay walang siyentipikong dahilan at hindi dapat paniwalaan. Ngunit dahil nga ito ay mula pa sa mga sinaunang Pilipino ay wala namang masama kung sumunod. Narito ang ilang paniniwala kaugnay sa pagbibinata at pagdadalaga:
Pagbibinata
Ang pagpapatu li ay nakakabilis ng pagtangkad.
Bawal makita ng isang babae ang a ri ng lalaking bagong tu li dahil ito ay mamamaga, mangangamatis at matagal gagaling.
Ang pagkakaroon ng wet dreams ay hindi tamang gawain at dapat pigilan.
Pagdadalaga
Masama ang maligo kung may dalaw o regla dahil maaari itong maging sanhi ng pagkaba liw.
Bawal magbuhat ng mabibigat na bagay o kaya ay magtrabaho ng mabigat kung may regla o dalaw dahil mapipigil ang paglabas ng dugo na makakasama sa kalusugan.
Bawal makilahok sa mga gawain na pampalakasan at pag-eehersisyo dahil napapatagal nito ang araw ng pagreregla at mas maraming dugo ang lumalabas.
Bawal kumain ng maaasim o maaalat na pagkain kung may regla o dalaw dahil nakapagpapatigil ito ng daloy ng dugo.
Mabuting panghugas o pangpahid ng mukha ang unang regla ng babae para maiwasan ang pagkakaroon ng tigyawat.
Explanation: