Manaliksik ka ng mga katulad na epiko sa inyong bayan. Mag-interbyu ng isang historian, manunulat, o mga matatanda sa iyong lugar. Magsagawa ng isahang pagsasalaysay ng isang pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa mga pangyayari sa epiko. Isaalang-alang ang mga panandang pandiskurso na salita na gagamitin sa pagsulat. Gawin ito sa sagutang papel.
epiko po ng cavite please po...
ngayun ko na po kailangan...
mark ko po brainliest "kung" matino sagot mo シ︎
Share
Answer:
ng hukbo ng bansa ang rebeldeng guro
na kaisa-isang hindi napasuko
ng Amerikano sa dahas ma't suyo - -
HINANAKIT SA PAGBALIK
Ang hindi yumukod hangang kamatayan
sa Amerikano'y lumaki't sumilang
sa Ilokos Norte, sa Batac na bayan;
Artemio Ricarte ang kaniyang pangalan.
May kamalayan na sa sariling lupa
at sa katarungan nang munti pang bata;
pagtuturo yaong kinuha sa nasa
na masa'y mulatin sa dangal ng laya.
Ngunit tinalikdan ang gawang pagtuturo
at sa himagsikan siya ay humalo;
pagkat ayaw niyang sa Gringo'y sumuko,
siya'y itinapon sa lupang malayo.
Ngayong bumalik na sa lupang iniwan
mula nang ampunin ng Hapong umagaw
sa Amerikano sa nilisang bayan,
hinanakit niya sa puso'y umapaw:
Noon ako'y tabak ng mga timawa,
ngayon ang kalahi'y wala nang tiwala;
ako'y himagsikan, ako ang paglaya,
bakit ako ngayon ay salot na yata?
Magkaanib tayong sa Gringo'y lumaban,
bakit ako ngayon ay iisa lamang?
Dugo, pawis, luha'y hinandog sa bayan,
bakit ako ngayon ay biglang iiwan?
Ngayon ang paglaya'y inalay sa atin,
bakit tatalikdan at ayaw yakapin?
Matapos magtigis ng dugo't dalangin,
ano't magbabalik sa pagkaalipin?
Bakit, Pilipino, puso mo'y malaki,
tila basang papel, kaytagal magsindi,
ngunit pag nag-alab ay kugon sa liksi
kung matupok yaong poot mong matindi?
Kapag may nanguna sa paghihimagsik,
ikaw ay uupo muna't magmamasid,
kung sino'ng mananalo, doon ka sisiksik
at magmamalaking ikaw ay tumindig.
Pagkat ang ibig mo'y ikaw ang mamuno,
yaong nangunguna'y pilit igugupo,
agad hihiwalay kapag nasiphayo - -
bakit mithing laya'y di maisapuso?
Kasaysayan natin ay paulit-ulit:
kung may Lapulapu'y may Zulang pumanig
sa dayong Kastila; kay Sulaymang tagis
ay may Lakandulang kalis ng pagtalik.
Explanation:
hope it helps
don't forget follow and thanks