Marcelo H. Del Pilar
"Ipagtanggol mo ang matuwid at huwag mong alalahanin ang pananalo o ang
pagkatalo."
Si Marcelo H. del Pilar ay ipinanganak noong ika-30 ng Agosto ng 1850 sa Kupang, Bulakan,
Bulakan. Siya ang bunso sa sampung magkakapatid na anak ni Don Julian H. del Pilar at Donya Blasa Gatmaitan. Nag-aaral siya hanggang magtapos sa pagkamanananggol. Kilalang-kilala siya bilang si Plaridel isang matalentong tao, marunong tumugtog ng piyano, biyolin at flute. Mahusay din siya sa larong fencing. Kumakanta siya ng mga serenata at tumutugtog ng magagandang awitin sa biyolin tuwing Flores de Mayo. Nais ni del Pilar ang pagtatatag ng mga paaralan upang ang masasamang bunga ng kamangmangan
ay maputol, kung hindi man lubusang mapawi. Ipinalagay ng mga Kastila na si del Pilar ay kalaban ng Espanya dahil sa kanyang mga hinihinging ito kaya't tinangkang siya ay ipahuli at ipapiit. Ang mga kamag-anak ni del Pilar na madaling nakaalam ng balak na pagpapahuli ay dali-daling humikayat sa kanya na umalis at iligtas ang kanyang
buhay. Dahil sa paliwanag na ito, si del Pilar ay umalis ng Bulakan isang gabi. Tumungo siya sa Maynila at nanuluyan sa bahay ng isang kaibigan. Matapos ang mga ilang araw na paninirahan sa Maynila, lumulan siya sa unang bapor na patungong Espanya. Mabigat sa kanyang loob ang lumisan. Hindi niya halos matitigan ang pasigan ng kanyang bayang lilisanin ngunit palibhasa'y lalaki at may pagmamahal sa bayan, ang lahat ay tiniis at binata ang lungkot ng paglayo.
Sa Espanya ay pinangasiwaan ni del Pilar ang pahayagang La Solidaridad. Sa pahayagang ito ay nakuha niyang maipakilala sa España ang mga Pilipino at ang lunggati ng bayang Pilipinas. Isiniwalat niya ang hindi mabuting ginagawa ng mga taong dito ay ipinadala upang mamuno at dahil dito'y hiningi niyang ang ipadala rito'y mga tunay na ginoo na marunong dumama sa tunay na damdamin ng bayan.
Si del Pilar ay naghirap at namulubi. Ang kanyang mga kababayan ay hindi makapagpadala sa kanya ng abuloy ibigin mang gawin ang gayon, sapagkat lubhang napakahirap magpadala ng tulong
sa mga kababayang nasa malayong España. Paniniwalaan ba ninyong halos wala siyang maibili ng pagkain? Gayon ma'y tiniis niya ang lahat sa pag-asang kaalakbay ng kanyang mga hirap ang pagsikat ng araw ng tagumpay at ang kanyang bayan ay mapadadalhan ng mga taong katugon ng ating damdamin. Si del Pilar ay katulad ni Bonifacio sa paniniwala. Ibig niya ang maghimagsik, ngunit si Dr. Rizal
ay kalaban sa ganitong balak. Si Rizal ay naniniwalang hindi pa handa ang bayan sa isang himagsikan. Nang umabot sa kaalaman ni del Pilar ang balitang pagbangon ng kanyang bayan sa pamumuno ni Bonifacio, tinangka niya ang umuwi sa Pilipinas upang tumulong kay Bonifacio. Datapwat ang kanyang balak na pagbabalik sa tinubuang lupa ay nabigo. Sa Barcelona ay dinapuan siya ng sakit na kanyang ikinamatay, nang hindi man lang nakita ang kanyang mga anak at asawang minamahal. Pumanaw siya noong ika-4 ng Hulyo 1896 sa Barcelona, España sa sakit na tuberkulosis. Ngunit nagpatuloy na
mabuhay ang kanyang kabayanihan sa puso ng mga Pilipino at ng bayang kanyang iniibig.
#brainlisttama
#thanksforanswer
Share
Explanation:
1 agosto ng 1850
Hindi kupo Makita Yung iba hehe