Masasalamin sa awiting-bayang "Lawiswis Kawayan" ang ilang tradisyon ng mga Bisaya lalo na sa pag-ibig. Bumuo ng sariling paghahatol o pagmamatuwid kaugnay ng mga ideyang nakapaloob sa awit.
Sabi ng binata halina o hirang
Magpasyal tayo sa Lawiswis kawayan
Pugad ng pag-ibig at kaligayahan
Ang mga puso ay pilit magmahalan.
Ang dalaga naman ay ibig pang umayaw
Sasabihin pa kay inay nang malaman
Binata'y nagtampo at ang wika
Ikaw pala'y ganyan akala mo'y tapat at
Ako'y minamahal.
Ang dalaga naman ay biglang umiyak
Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
Binata'y naawa lumuhod kaagad
Nagmakaamo at humingi ng patawad.
1. Makikita sa awit ang kaugaliang pagpapaalam muna ng isang dalaga sa kanyang ina bago siya sumama o pumayag sa paanyaya ng kasintahan . Ano ang pananaw mo sa kaugaliang ito? Ipaliwanag.
2. Naging mabilis ang paghingi ng patawad ng binata sa kasintahang nasaktan sa kanyang ginawa o nasabi. Ano ang pananaw mo sa kaugaliang ito? Ipaliwanag.
Share
Sagot:
1. Bilang isang Pilipino, hindi lang mga Bisaya bahagi ng ating kultura ang pagiging masunurin and malapit sa ating pamilya lalo na sa ating mga magulang. Hanggang hindi pa tayo nagkaroon ng sariling pamilya, responsibilad tayo ng ating mga magulang. Kung mangyari man na tayo ay umalis na walang paalam, labis ang kanilang pag-alala lalo na ang ating ina.
2. Isa din ka mga kagawian nating mga Pilipino ay madalas humingi ng tawad. Hindi tayo mapakali kapag mayroon tayong taong nasasaktan. Mahilig talaga tayo humingi ng “sorry”. Likas din sa mga lalaking Pilipino ang pagiging maginoo. Nakikita niyang lumuluha ang kanyang sinta kaya nasasaktan din ang binata kaya siya ay mabilis na humingi ng patawad sa kanyang kasintahan.
Tingnan mo ito kung gusto mo ng kaalaman tungkol sa kahulugan ng kantang “Lawiswis Kawayan”: brainly.ph/question/9616629
#BRAINLYEVERYDAY