matapos natuklasan ng mga espanyol ang katipunan? ano ang bunga nito?
Share
matapos natuklasan ng mga espanyol ang katipunan? ano ang bunga nito?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang Pagsiklab ng Himagsikan ng 1896(Ang Sigaw sa Pugadlawin)
Nabunyag ang KKK o lihim ng samahan dahil sa pangungumpisal ni Teodoro Patiño kay Padre
Mariano Gil nang sila ay magkaroon ng hidwaan ni Apolinario de la Cruz. Napakarami ng mga inaresto
at ikinulong na pinaghinalaang Katipunero. Umapaw ang mga bilangguan sa dami ng mga naaresto.
Wala nang mapagpiliang iba pang hakbang ang mga Katipunero sa pangunguna ni Andres Bonifacio
kundi ang simulan ang himagsikan. Noong Agosto 23, 1896 sa bahay ng anak ni Melchora Aquino
na si Juan Ramos sa Pugadlawin (ngayon ay nasa Project 8, Lungsod Quezon) ay napagpasyahan ng tinatayang 500 Katipunero na simulan ang himagsikan sa pamamagitan ng pagpunit sa kanilang
mga cedula personal. Ang pagpunit ng cedula na katibayan ng pagbabayad ng buwis ay
sumasagisag sa paglaya ng mga Filipino sa kapangyarihan ng Espanya. Ang pagpunit na ito ng
cedula sa Pugadlawin ay nakilala sa kasaysayan sa tawag na “Sigaw sa Pugadlawin.”
Napakahalaga ng “Sigaw sa Pugadlawin” sa kasaysayan. Ito ang opisyal na pagsisimula ng
Himagsikang Pilipino laban sa mga Espanyol. Ipinakita nito ang kahandaang magbuwis ng buhay ng
mga Filipino para sa kalayaan ng bansa bagama’t may malaking kakulangan sa armas. Ipinakita rin
nito na ang mga Filipino ay may kakayahang magkaisa bilang isang bansa para sa kapakanan ng
Pilipinas. Hudyat ang “Sigaw sa Pugadlawin” sa paglaya ng Pilipinas bilang isang bansa mula sa
kolonyalismong Espanyol. Ito ang nagbigay-daan sa pagtatatag ng bansang Pilipinas na nakilala
bilang kauna-unahang republika sa Asya.