May dalawang magkapatid na lalaki na nasangkot sa isang malaking gulo. Nagpasiya silang iwan ang kanilang lugar at magtungo sa ibang lugar. Nangailangan din sila ng pera. Si Karl, ang mas nakatatanda, ay pumasok sa isang tindahan upang magnakaw at nakakuha siya ng sampung libong piso. Si Bob naman, ang mas nakababata, ay nagtungo sa isang retiradong lalaki na kilala sa pagiging matulungin sa mga taong naninirahan sa kanilang lugar. Sinabi niya rito na siya ay may malubhang karamdaman at kailangan ng sampung libong piso para sa kanyang operasyon. Nakiusap si Bob sa matanda na pahiramin siya ng pera at nangakong ito ay babayaran kapag siya ay ganap nang gumaling. Kahit pa hindi ganap na kilala ng matandang lalaki si Bob ay pinahiram niya ito ng pera. Si Karl at si Bod ay nakatakas na may hawak na tigsasampung libong piso.
Mga Tanong:
a. Ano ang mas masama, ang magnakaw, katulad ng ginawa ni Karl o ang manloko ng kapwa katulad ng ginawa ni Bob? Pangatwiranan ang sagot.
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
b. Sa iyong palagay ano ang pinakamasama sa panloloko ng isang matanda? Bakit mo ito itinuturing na pinakamasama?
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
c. Bakit masama ang pagnanakaw na tulad ng ginawa ni Karl sa isang tindahan?
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
d. Ano ang halaga ng paggalang sa pag-aari ng iba?
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
e. Kailangan bang gawin ng tao ang lahat upang sumunod sa batas? Bakit?
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
Share
Answer:
A.Kung mas masama ang paguusapan ang pinakamasamang gawain ay ang ginawa ni Karl sapagkat ito ay hindi magandang gawain at maaari kang makulong kung ikaw ay mahuhuli,ito ay mas masama kaysa sa ginawa ng kanyang nakakabatang kapatid sapagkat siya ay pumunta sa retiradong lalaki at nagpanggap na may lubhang karamdaman,siya ay nanghiram ng pera at nangakong babayaran siya nito kahit na bagong lipat pa lamang si Bob at hindi pa kilala ng retiradong lalaki si Bob ay agad na itong nagtiwala dahil sa likas na matulungin ang lalaki.
B.Ang panluluko sa isang matanda ay kawalan ng respito sa knya,sa ginawa ni Bob ito ay masama at kawalan ng pakialam sa matanda sapagkat ang matanda ay lubha ng nakakaramdam na ng iba-t ibang sakit at humihina na ang katawan sa madaling salita hindi na niya kayang gawin ang ibang nagagawa niya noon.
C.Masama ang pagnanakaw sapagkat una sa lahat hindi ito sayo,inaangkin mo ang hindi mo pinaghirapan sa maganda at malinis na paraan.
D.Ang paggalang sa pag-aari ng iba ang katumbas nito ay ang salitang respeto sa nagmamay-ari nito sapagkat binibigyan mo ng halaga ang hindi namn sa iyo at alam mong hindi mo dpt angkinin ang hindi namn sa iyo.
E.Hindi,sapagkat hindi namn sakop ng batas ang lahat,may ibat-iba pang hindi nakabilang sa batas,ang batas ay batas at ang batas ay kailangan mong sundin lahat pro hindi mo kailangang gawin ang lahat para sa batas.
Explanation:
I hope it hepls,Thanks me later.❦