Mayroon kayong apat (4) na foreign exchange students sa klase. Papaano ninyo sila pakikisamahan lalo't magkaiba kayo ng kultura at paniniwala batay sa kanilang kasuotan at itsura?
Gamit ang limang (5) pangungusap, ipaliwanag ninyo ang
inyong saloobin hinggil sa pangyayari. Bigyang diin ang
inyong pagkakaiba-iba. Isulat ang iyong kasagutan sa
inyong kwaderno.
Pasagot nalang techu ◡̈⃝︎
Share
Verified answer
PAKIKITUNGO NG MAAYOS SA KAPWA
Sa unang pagkikita, ito ay lubos na magiging mahirap ngunit kung ating iisipin, magkakaiba man tayo ng lahi, kultura o paniniwala ito ay hindi dapat maging hadlang sa ating pakikitungo sa kapwa. Lagi nating tandaan na ang pagkakapantay-pantay ng bawat isa ay hindi masusukat sa kulay ng balat, sa lahi, sa kultura, sa uri ng pananalita, at sa wikang ginagamit kung hindi sa puso at uri ng iyong pakikitungo. Ang pagkakaiba-iba ay indikasyon lamang kung gaano kayaman at kaganda ang bawat kultura sa ating mundo. Ito ay maari nating gamitin upang mas mapalawak ang ating kaalaman sa bawat isa at sa ating kapwa. Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng bawat isa ay dapat bigyang halaga sapagkat ito ay mahalaga sa ating pagkakakilanlan. Magkaiba man ng kultura at paniniwalang kinagisnan ito ay hindi balakid sa maayos na pakikitungo sa kapwa. At sa huli, sa kabila ng ating pagkakaiba-iba lagi nating hanapin at pilit nating hanapin ang ating pagkakapareho at ang kagandahan sa bawat isa.
Pakikitungo ng Maayos sa Kapwa: brainly.ph/question/6941049
#LETSSTUDY