mensahe ng "epikong hinilawod" sa G O O G L E lng po i search ksi d ko maintindihan??
Share
mensahe ng "epikong hinilawod" sa G O O G L E lng po i search ksi d ko maintindihan??
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang iba't-ibang ugali ng magkakapatid.May mabuti,meron ding masama
Answer:
Ayon kay E. A. Manuel (1963), ang Hinilawod ng gitnang Panay ang pinakamahaba at pinakamagkakaugnay na epikong naitala sa Pilipinas. Batay sa kasalukuyang pag-aaral ang Hinilawod ang pinakamahabang epiko sa buong mundo na binubuo ng 28,000 berso na kung bibigkasin ay aabot ng tatlong araw ang pagtatanghal. Unang nabanggit ang kuwento ni Labaw Donggon, isang siklo sa Hinilawod, sa serye ni Ealdama sa Philippine Magazine noong 1938. “Montes” ang tinawag niya rito na galing sa saitang Espanyol na ibig sabihi’y mga taong nakatira sa bundok. Nagkaroon siya ng pagkakataong tingnan ang kultura ng mga Montes sa Baryon g Da-an Norte sa Tapaz, Capiz nang pumunta siya roon noong 1931-1932. Ayon sa kanya, ang “Labaw Donggon” ang pinakatanyag na ballad ng mga Montes.
Ngunit mas tumingkad ang pagkakakilala sa kuwentong ito batay sa kauna-unahang pag-aaral ni Felipe Landa Jocano (1968) na kumilala nito bilang epiko at hindi ballad. Tinaguriang niya itong Hinilawod ng Panay. Ang lawod ay “dagat” at ang hini at “tunog,” kaya’t hinilawod ay “tunog ng dagat.” Sa katunayan, kuwento ito ng mga taong naninirahan sa tabing-dagat. Ipinalalagay ni Jocano na ang mga taga-bulubundukin ng Panay ngayon ay dating naninirahan sa tabing-dagat ngunit sa serye ng migrasyon, naitulak silang pairaya. Ayon sa kanya, batay ito sa katotohanang ang Hinilawod ay kilala sa mga pamayanang bulubundukin ngunit hindi sa mga Kristiyano sa tambak. (Villareal, 1997 p. 8)
Si Ulang Udig, mahigit limampung taong gulang ay nakilala ni Jocano kasama si G. Demy P. Sonza sa Lumibao, Iloilo noong 1955 at inawit ang bahagi ng epiko tungkol kay Labaw Donggon na popular sa lugar. Ito ay may 3, 822 taludtod at mga limang oras ang haba sa tape. Nakilala rin nila noong 1957 si Hugan-an, isang mang-aawit sa BundokKudkuran na nasa Tapaz, isang irayang bayan sa Capiz. Pinagtiyagaan ni Jocano si Hugan-an na awitin ang epiko tungkol kay Humadapnon. May 53,000 linya ang kuwento at may dalawangpu’t lima hanggang tatlumpung oras ang haba sa tape. Isinalin ni Jocano mula sa Kinaray-a ang awit ni Dikoy Dubria, isang magsasakang may walumpu’t limang taong gulang nang matagpuan niya sa Valderrama,Antique noong 1984. Inawit naman niya ang kuwento ng magkapatid na sina Humadapnoon at Dumalapdap. (Villareal, 1997 p. 9)
Si Ulang Udig ay babaylan at si Hugan-an ay isa sa mga pinuno ng relihiyon ng kanyang baryo – tagapamagitan ng mga tao sa iba’ ibang espiritu. Hindi babaylan si Dikoy Dubria ngunit natutuhan niya ang pag-awit ng epiko mula sa kanyang ina na natuto naming umawit at naging komadrona mula sa kanyang tiyo at tiya na sina Damian at Salome na kapwa babaylan noong unang dekada ng 1800. Mapupunang ang mag-aawit ng epiko ay karaniwang babaylan o di kaya’y may kinalaman sa mga ritwal sa relihiyon ng komunidad. Ang tawag sa epiko ng mag-aawit ay kaali-ali na ang ibig sabihin ay ´banal at katangi-tangi.” (Villareal, 1997 p. 10)
Sa pagtatapat ni Jocano, kinaltas ni Ulang Uding ang ilang banal na bagahi ng epiko nang inawit niya ito para sa kanyang tagapakinig. Nagsagawa mua si Ulang Udig ng isang ritwal kung saan humingi siya ng pahintulot sa mga espiritu na awitin ang epiko. Samakatuwid, nag-ugat sa relihiyon ang epiko. Ipinapalagay, halimbawa, na paulit-ulit ang epiko dahil nagsimula ito bilang maikling imbokasyon-kuwento sa mga diyos at diyosa, at inaasahang nagiging mas epektibo ang pagdarasal kung ito’y paulit-ulit. Sa paglipas ng panahon, ang mga simpleng kuwentong ito ay naging masalimuot, mahaba at nakaaaliw. Kaya’t ang katangiang paulit-ulit ay nakatulong din sa mang-aawit upang mabuo ang kanyang komposisyon, gayon din sa tagapakinig upang maunawaan ang kuwentong binibigkas. Ito ay pagbabagong kaakibat ng paglipat ng pokus ng epiko mula sa mga diyos tungom sa bayani at sa huli, a kasaysayan/kalahian. Lahat ng ito ay sangkap ng epiko ngayon, gaya ng Hinilawod. (Villareal, 1997 pp. 10-11)
Ang pagiging banal ng epiko ay dahilan kung bakit pinakikinggan ang epiko kahit mahaba ito. Ngunit maaaring naaakit din ang mga tagapakinig sa paghalo ng banal at secular. Inaawit ang epiko sa iba’t ibang okasyon: sa lamayan, sa kasalan, sa pagganap ng iba’t ibang ritwal.
Nagsisimula ang paghahanda sa kammusmusan pa lamang ng mag-aawit, nang siya’y hirangin na mang-aawit ng epiko bilang karapat-dapat na kahalili at tagapagmana ng kaalamang bayan. Karaniwang pinipili ang batang may maputing kutis (binukot), boses na mala-tanus (isang uri ng tamboong tunog-plawta pag hinipan), mahilig umawit, at may pambihirang talas ng memeorya. Kaya’t ang bawat pagtatanghal ng epiko ay makinis dahil nahasa na ang mang-aawit magmula pa sa kanyang kabataan.
Ang Hinilawod ay nangangahulugang "Mga Kuwento Mula sa Bibig ng Ilog ng Halawod.” Ito ang sinaunang pangalan ng Ilog Jalaur o Jalaud sa Iloilo kung saan natuklasan ang epikong Hinilawod noong 1955 ni Felipe Landa Jocano...
Explanation:sorry hangang 5000 letters lang daw