mensaheng ipinahihiwatig ng kantang KAIBIGAN by Sarah Geronimo.
Home
/
mensaheng ipinahihiwatig ng kantang KAIBIGAN by Sarah Geronimo
mensaheng ipinahihiwatig ng kantang KAIBIGAN by Sarah Geronimo.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
It’s quite refreshing to hear an OPM song that doesn’t talk about romantic love. We’ve been accustomed to songs about young love, crushes, deep love, confusion, heartaches, and lost love. But there’s also something about the ‘friendship type of love’ that is truthful and straight to the heart.
Para sa akin isa itong napakagandang kanta sapagkat ito ay nagpapatungkol sa magkakaibigan. Kung ano talaga ang kahulugan ng tunay na magkakaibigan.
Sina Sarah Geronimo at Yeng Constantino ay matalik na magkaibigan pala sa totoong buhay kaya ramdam na ramdam talaga nila ‘yong kanta na alay para sa bawat isa sa kanila. Kadalasan sa mga kanta sa henerasyong ito ay tungkol sa pag-ibig. Ang kantang “Kaibigan mo” ay maaari namang tungkol pa rin ito sa pag-ibig ngunit pag-ibig ito na para sa ating mga pinakamamahal na kaibigan. Ito ay may malaking naidudulot para mas tangkilikin pa ng mga pinoy ang opm songs.
Ang kantang iyan ang napili ko sapagkat naghahatid ito ng makabuluhang mensahe para sa lahat. Palagi kong pinapakinggan ang kantang ito sapagkat ramdam ko at maiuugnay ko sa aking sarili ang mensaheng inihahatid nito.
Masasabi ko na lahat naman tayo ay may kanya-kanyang barkada o kaibigan na laging masasandalan kahit ano man ang mangyare.
Lage kayong nagdadamayan na para talagang tunay na magkadugo. Hindi lang sa saya magkasama kundi sa ano mang lungkot, saya at mga problema. Hindi lang sa materyal na bagay kayo magkaibigan. Kundi kung ano ka at kung ano meron ang bawat isa sa inyo ay tanggap niyo. Hindi mo kailangan mamili ng kaibigan ang mahalaga ay magkasundo at magkakaintindihan kayo sa lahat ng bagay. Dahil sa diyos ang lahat sa atin ay panay-pantay.
Ang tunay na kaibigan ay di ka ipapahamak kahit ano pa man ang mangyari kayo’y magdadamayan. Nakakaramdam din kaagad kapag may dinadamdam kahit hindi pa ito sabihin. Ang tunay na kaibigan ang mga taong masasandalan mo, mga taong masasabihan mo ng problema kapag may problema ka.
Inaalay ko ang kantang ito para sa lahat ng mga kaibigan ko na palaging nandyan sa lahat ng oras at handang tumulong sa kahit ano mang mga problemang darating. Mahal ko kayong lahat ❣️