Mga Bagong Bayani sa Gitna ng Pandemya
Ni: Cathrinn C. Victorio
Sa gitna ng COVID-19 pandemic sa buong mundo, patuloy din ang ating mga
frontliner sa pagharap at paglaban sa mga hamong dulot nito.
Hindi alintana ang anumang pagod o panganib, walang patid ang pagtupad n
gating mga BAGONG BAYANI sa kanilang sinumpaang tungkulin ang mag-aruga,
magligtas, at magpagaling sa ating mga kababayang may sakit, lalo na ang mga
COVID-19 patients na lubos ang pangangailangan ng tulong at kalinga.
Sa simula pa lamang ng pandemyang ito, sila na ang unang nakasuong sa
larangan ng digmaan—tinitiis ang pagod, sakit ng katawan, hirap ng loob.
Lumalaban sila sa sariling pangamba, agam-agam, at pangungulila sa pamilya,
mabigyan lamang ng ginhawa ang may sakit, at sa kahit munting paraan ay
makatulong upang maibsan ang paghihirap ng mga ito.
Sila ang ating mga minamahal na frontliners at health care workers na patuloy
na pinipiling maglingkod sa BAYAN bago ang kanilang SARILI.
Kaya naman, ating bigyang pugay at bigyan ng "mahigpit na yakap" ang ating
mga kababayang frontliner sa kanilang di matatawarang serbisyo at sakripisyo.
11. Sinu-sino ang itinuturing na mga bagong bayani sa ating panahon?
12. Anu-ano ang naging kontribusyon nila sa ating bansa?
13. Paano mo pinahahalagahan ang ating mga bagong bayani?
14. Ano ang sakit na nagpapahirap ngayon sa mga tao?
5. Ikaw, anu-ano ang pag-iingat na ginagawa mo para hindi ka tamaan ng Covid-10 o
anumang sakit?
Pasagot ng maayos ipapasa na kasi mamaya, ipapa Brainliest ko yung Sino makakasagot nito ng maayos, Tenchu!
Share
Answer:
1. Frontliners
2.pinili nilang maglingkod sa bayan bago ang sarili
3. sapamamagitan ng pag sunod sa health protocols
4. Covid 19
5.Sapamamagitan ng pag-aalaga sa sarili at pagkain ng masustansiyang pagkain