Mga Gawain Gawain 1: Basahin at unawain ang maikling tula.
Tingnan kung papaano ito isinulat. Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Wika sa Lupang Tinubuan Sinulat ni Erica P. Retuya Nasilayan ang unang sikat ng araw Sa piling ng langit na payapa't bughaw Narinig ang wika sa aki'y pumukaw Sa damdaming sabik, pag-ibig na uhaw Wikang Filipino ay naghatid ng pang-unawa Karunungang dulot, sa kamangmangan ay lumaya Saan man magpunta, sa usapin ay nakahanda Nagbibigay nang ngiti, sa katwiran ay sagana Ngunit bakit tila pagpapaunlad sa wika Nawalan ng saysay, sa dayuhan ay humanga Wikang hiram niyakap, mas binigyang halaga Nasaan ang dangal ng bayang inalipusta?
4. Ano ang iyong napansin sa bawat saknong?taludtod?
number 4 lng po sasagutan
Share
Verified answer
Ang tula ay mayroong sukat. Sa unang saknong ang bilang ng pantig ng bawat taludtoday lalabindalawahin. Sa ikalawang saknong ang bawat taludtod ay lalabinglimahin ang bilang ng pantig. Sa huling saknong naman ay lalabing-apatin naman ang bilang ng pantig ng bawat taludtod.
Mayroong tugma ang mga taludtod sa bawat saknong. Ang unang saknong ay mayroong tugma sa katinig dahil nagtatapos ang bawat taludtod sa katinig na 'w'. Sa ikalawa at ikatlong saknong naman ay mayroong tugma sa patinig dahil parehong nagtatapos sa patinig na 'a'.
Ang mga saknong ay binubuo ng apat na taludtod o tinatawag na quatrain.
Ang sukat, saknong at tugma ay mga elemento ng tula. Maliban sa dalawang ito, ang iba pang elemento ay ang kariktan, talinghaga at .
Ano nga ba ang kahulugan ng bawat elementong ito?
Sukat- tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
Saknong- tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming taludtod.
Tugma- tumutukoy sa magkakasintunog ng huling pantig ng huling salita ng bawat linya.
Talinghaga- tumutukoy sa malikhain pamamaraan na paggamit ng mga salita.
Kariktan- paggamit ng mga maririkit na salita para mapukaw ang damdamin at kawilihan ng mga mambabasa.
Dagdag na paliwanag sa mga elemento ng tula: brainly.ph/question/2586908
#BRAINLYFAST
Answer:
ang bawat saknong ay parehas ang mga bigkas sa hulihan at ang bawat taludtod naman ay parehas na apat kada taludtod