Mga Gawain sa Pagkatuto:
Panuto: Bumuo ng sanaysay na naglalahad mula sa mga impormasyong naibigay sa ibaba.
> Ang Sinulog Festival ay ginaganap taon-taon sa pangatlong linggo ng Enero bilang pagbibigay-pugay sa mapaghimalang imahe ng Sto. Niño.
> Binubuo ng isang napakahabang parada kasama Ang iba't ibang grupo ng mananayaw na may makukulay na kasuotan.
> sinasabayan ng tugtog ng tambol na may dalawang hakbang paharap kasunod ng isang paurong.
>Pagsigaw ng mga tao ng "Viva! Pit Señor! Señor Santo Niño" bilang pasasalamat at paghihingi ng kanilang mga kahilingan.
> Pangunahing atraksiyon ng turismo ang Sinulog na dinadayo ng mga turista, lokal man o dayuhan.
Share
Pyesta ng Sinulog, Ipagmalaki!
Sa Cebu CIty, ang Sinulog Festival ay ginaganap taon-taon sa pangatlong linggo ng Enero bilang pagbibigay-pugay sa mapaghimalang imahe ng Sto. Niño. Katangi-tangi itong pagdiriwang na bahagi ng tuluyang pag-angkin ng mga Pilipino sa Kritiyanismo at kaugalian ng pagsamba sa DIyos.
Ang Sinulog ay binubuo ng isang napakahabang parada kasama ang iba't ibang grupo ng mananayaw na may makukulay na kasuotan. Sinasabayan ito ng ng tugtog ng tambol na may dalawang hakbang paharap kasunod ng isang paurong . Habang sumisigaw ang mga tao ng "Viva! Pit Señor! Señor Santo Niño" bilang pasasalamat at paghingi ng kanilang mga kahilingan. Pangunahing atraksiyon ng turismo ang Sinulog na dinadayo ng mga turista, lokal man o dayuhan.
Kaya dapat lamang na patuloy na isabuhay at ipagmalaki ang mayamang kulturang ito ng mga kapuwa natin Sebuwano.
Sana Makatulong