Mga Hakbang sa paggawa ng Wastong Pasya 1. Magkalap ng kaalaman. Ang pagiging tama o mali ng isang pagpapasiya ay nakasalalay sa mga katotohanan. Maaring humingi ng tulong sa mga nakakatanda, pamilya kaibigan o etc. 2. Magnilay sa mismong aksiyon. Sa anumang pagpapasiya, ng tao, mahalaga ang pagninilay sa mismong aksiyon. Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na gabay 1. Kailangan mong suriin ang uri ng aksiyon. 2. Mahalagang tanungin mo rin ang iyong sarili kung ano ba talaga ang iyong personal na hangarin sa iyong isasagawang aksiyon. 3. Mahalagang tingnan din ang mga pangyayaring may kaugnayan sa aksiyon 3. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya. Ang panalangin ang pinakamabisang paraan na maaaring gawin upang ganap na maging malinaw kung ano talaga ang plano ng Diyos para sa atin. 4. Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasya. Mahalaga ring isaalang-alang ang ating damdamin o kalooban sa ating gagawing pagpili. 5. Pag-aralang muli ang pasiya. Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na maaari kang magsisi sa iyong paslya, kailangan mong pag-aralan muli ang lyong pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri.
Share
Answer:
yung 1 maghahanap ka lang ng mga opinion yung 2 diko alam
Explanation: