MGA HAKBANG SA PAGHAHANDA SA PAGDATING NG BAGYO
- Unang-una ay subaybayan sa radio o telebisyon ang mahahalagang balita sa pagsama ng panahon. Pangalawa ay mag-imbak ng mga pagkain sa bahay lalong-lalo na iyong mga de lata upang hindi magutom. Pagkatapos ay mag-imbak din ng posporo, kandila, flashlight, at baterya na maaaring magamit kung kinakailanagn. Pinakamahalaga sa lahat ay manatiling mahinahon sa lahat ng sandali upang makaiwas sa dagdag na sakuna. At panghuli, kailangang makinig sa mga balita tungkol sa pagbabago ng panahon.
Mga Tanong:
1. Sa Paghahanda sa pagdating ng bagyo ano-ano ang mga dapat gawin?
Una: _____________________
Pangalawa: _____________________
Pangatlo: ________________________
Pang-apat: _______________________
Panglima: ________________________
2. Ano-ano ang mga ginamit na salitang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa binasang talata? Una: ______
Pangalawa: ______
Pangatlo: ______
Pang-apat: ______
Panlima:______
Share
Answer:
Mga Tanong:
1. Sa Paghahanda sa pagdating ng bagyo ano-ano ang mga dapat gawin?
Una: Subaybayan sa radio o telebisyon ang mahahalagang balita sa pagsama ng panahon.
Pangalawa: Mag-imbak ng mga pagkain sa bahay lalong-lalo na iyong mga de lata upang hindi magutom.
Pangatlo: Pagkatapos ay mag-imbak din ng posporo, kandila, flashlight, at baterya na maaaring magamit kung kinakailangan.
Pang-apat: Manatiling mahinahon sa lahat ng sandali upang makaiwas sa dagdag na sakuna
Panglima: Makinig sa mga balita tungkol sa pagbabago ng panahon.
2. Ano-ano ang mga ginamit na salitang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa binasang talata?
Una: Unang-una
Pangalawa: Pangalawa
Pangatlo: Pagkatapos
Pang-apat: Pinakamahalaga sa lahat
Panlima: Panghuli