Mga kababaihang Bayani at mga tulong nila
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Answer:
Noong ika-12 ng Hunyo 1898, sa pagitan ng ika-4 hanggang ika-5 ng hapon, idineklara ni Hen. Aguinaldo sa kanyang bahay sa Cavite el Viejo (Kawit) ang kalayaan ng Pilipinas. Iwinagayway sa bintana ng bahay ni Hen. Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas na tinahi ni Marcela Agoncillo sa Hong Kong, at tinugtog ang pambansang martsa na noo’y wala pang mga titik. Binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista sa mga Pilipinong naroroon sa harap ng bahay ang Acta de la proclamación de independencia del pueblo Filipino.
Kung tayo’y magbabalik-tanaw sa mga pangyayaring naganap bago ang paghahayag ng ating kasarinlan noong makasaysayang araw na yaon, ang labis na pang-aabuso ng mga Espanyol sa mga Pilipino ang pangunahing dahilan kaya’t ang ating mga bayani ay lumaban sa pamahaalang kolonyal. Sa higit tatlong siglong pananakop ng Espanya, nakalasap ang mga Pilipino ng iba’t-ibang uri ng pagmamalabis gaya ng sapilitang paglilingkod sa sistemang Polo, mataas na buwis, sistemang bandala, pagsupil sa karapatang makapagpahayag ng mga opinyong salungat sa mga polisiya ng pamahalaan at iba pang anyo ng pang-aapi. Bagamat ang pormal na deklarasyon ng kalayaan ng ating bansa ay ipinahayag noon lamang ika-12 ng Hunyo 1898, marami nang mga pag-aalsa ang naganap sa simula pa lamang ng pananakop ng mga dayuhan. Ilan sa mga pag-aalasang yaon ay pinamunuan ng mga Raha ng Tondo, ni Sultan Kudarat sa Maguindanao, Tapar sa Panay, Diego at Gabriela Silang sa Ilokos, Maniago sa Pampanga, Dagohoy sa Bohol, Hermano Pule sa Tayabas (ngayo’y Lalawigan ng Quezon), Datu Amai Pakpak sa Marawi at marami pang iba. Labis ding nakapagpaalab ng damdaming makabayan ang pagbitay sa GOMBURZA noong 1872 at pagbaril kay Jose Rizal noong 1896.
Ang mga bayani nati’y nag-iwan ng mga aral at halimbawa nang sila’y lumaban at nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan. Ipinamalas nila na ang pagmamahal sa tinubuang lupa at sariling lahi ay ang pinakadakilang anyo ng pag-ibig. Ikinintal nila sa ating mga isipa’t damdamin na ang pagkakaroon ng sariling pamahalaan ay mahalagang salik ng pagkabansa – isang pamahalaang kinikilala, iginagalang at ipinagmamalaki ng mga nasasakupan. Kaakibat ng pagtatatag ng sariling pamahalaan ay ang pagbalangkas ng saligang batas na magiging batayan ng mga alituntuning susundin ng mga mamamayan para sa ikabubuti ng lipunang kanilang ginagalawan. Naging inspirasyon ang mga ninuno’t bayani natin upang tayo’y mangarap at gumawa ng mga hakbang tungo sa mga repormang kinakailangan upang higit na mapagbuti ang kalagayan ng ating bansa. Ang bayaning tulad ni Mabini ay nagpakita na hindi hadlang ang kapansanan upang makapag-ambag sa mga adhikaing isinusulong para sa kabutihan ng bayan. Si Tandang Sora nama’y hindi ininda ang katandaan sa paglilingkod sa kapwa Pilipino. Kung sina Rizal, M.H. del Pilar, Lopez-Jaena at iba pang mga propagandista’y gumamit ng pluma at papel sa pakikipaglaban, sina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo nama’y gumamit ng sining upang gisingin ang nasyonalismong Pilipino. Ipinamalas ni Bonifacio na ang kakapusan ng mataas na antas ng edukasyon ay hindi maaring makapigil sa pag-usbong ng damdaming makabayan. Ginamit naman nina Lapu-Lapu, Sultan Kudarat, Diego Silang, Emilio Aguinaldo, Gregorio del Pilar at mga Katipunero ang kanilang lakas upang ipaglaban ang ating kalayaan. Nakita natin sa ating mga bayani ang pagnanais na makawala sa gapos ng pananakop – bagamat magkakaiba sila ng pamamaraan ng paglaban, iisa ang kanilang layunin – ang maging malaya ang ating bansa.