mga katangian ng Hari explain
Home
/
mga katangian ng Hari explain
mga katangian ng Hari explain
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang mga katangian ng isang Hari ay:
Matalino- kailangan na may taglay na talino ang hari upang maging pakinabang ito sa kaniyang gagawing pagdedesisyon.
Mahusay magsalita at ma-awtoridad- kinakailangan na may kahusayan ang isang hari sa pagsasalita upang lalong mahikayat ang kaniyang mga nasasakupan sa kaniyang nais iparating at kailangan rin nama-awtoridad upang siya'y galangin at sundin ng mga tao.
Masipag- Natural ay kailangan na maging masipag ang hari dahil siya ang pinakapinuno at nasusunod sa lahat at siya ang may pinakamalaking gampanin sa lahat.
Makatuwiran o patas- kailangan na tama at mabuti ang katuwiran ng isang hari upang sa gayon ay maging karapat dapat ang kaniyang pamumuno.
Mapagmahal- kailangan rin na maging mapagmahal ang hari hindi lamang sa sarili kundi pati sa mga taong pinamumunuan niya.
Matapat- kailangan na maging matapat ang isang Hari sa kaniyang tungkulin dahil ito ay kaniyang tinanggap ng buong puso.At upang magtiwala sa kaniya ng lubos ang kaniyang mga nasasakupan.
Marunong Makinig- Dapat na marunong makinig at umunawa ang isang hari sa kaniyang mga nasasakupan upang maayos niyang mapamunuan ang mga ito.