Mga Katangian ng Sultanato at ang Pananaw ng mga Katutubong Muslim:
Ang Sultanato ay ang pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao. Higit itong
malaki kaysa pamahalaang barangay.Pinamumunuan ito ng Sultan- organisado ang
Sultanato. Ito ang tumakot sa mga Espanyol na agad sa sakupin ang mga Muslim sa
Mindanao.Matatapang ang mga Muslim, hindi sila basta nakikipagkasundo sa mga
dayuhan.Malaki ang pagmamahal nila sa kanilang pamahalaan at teritoryo. Ang
pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng malaking digmaan hanggang
kamatayan.Mayroon silang pagkakaisa at pagkakabuklod sa iisang paniniwala,
kultura at lahi.Malaki rin ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa Kalayaan.
Mahalaga sa mga Muslim ang pagpapanatili ng kalayaan lalo na sa aspeto ng
relihiyon, ang relihiyong Islam. Para sa kanila, ang Islam ay hindi lamang isang
relihiyon kung hindi isa ring paraan ng pamumuhay. Ang kanilang pang araw- araw
na pamumuhay ay umiinog sa pagsamba kay Allah. Ang kanilang mga paniniwalang
panrelihiyon gaya ng salat o pagdarasal ng limang beses sa isang araw ay manganganib
na mawala. Mayroong tatlong matatag na Sultanato ang Mindanao. Ang Sultanato ng
Sulu, Sultanato ng Maguindanao at Sultanato ng Buayan. May mabuting ugnayan sila
sa isa’t isa gayundin sa Brunei at Indonesia kung kayat malakas ang loob ng mga
Sultan na labanan ang mga Espanyol. Ang pagmamahal sa kanilang bayang tinubuan
ay maingat na binantayan at ipinagtanggol laban sa mga kaaway.
A. Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.
1-3 Tatlong matatag na Sultanato ng Mindanao:
_________________, _____________________, ___________________
4. Saan umiinog ang pang araw araw na pamumuhay ng mga Muslim? _______________
5. Katangiang taglay kaya’t malakas ang loob ng mga Sultan na labanan ang mga
Espanyol. _______________________
6. Ano ang kahihinatnan kapag nasakop ang kanilang teritoryo? ___________________
7. Ito ang maingat na binantayan at ipinagtanggol ng mga Muslim laban sa mga
kaaway. ____________________________
8-10. Ang mga Muslim ay may pagkakaisa at pagkakabuklod sa iisang ____________,
________________ at ___________________
Share
Answer:
1-3 allah,sulu,sultanato
4 Pagsamba kay allah.ang kanilang mga paniniwalang panrelihiyon gaya ng salato pag -darasal ng limang beses sa isang araw
5 indonesia kung kayat malakas ang loob ng mga sultan na lalaban ang mga espanyol
Explanation:
I try my best to answer hope it help