Mga kontribusyon ng Klasikong Kabihasnan :
1. Kalakalan ang naging dahilan ng pagkakatatag ng kabihasnan sa Africa,
2. Nagtatag ang mga Inca, Aztec at Maya sa bahagi ng Mesoamerica ng
kabihasnang batay sa pagsasaka at kalakalan, nagkaroon din ng
organisadong pamahalaan at lipunan.
3. Bagaman hindi kasing tanyag at unlad ng ibang kabihasnan, ang mga tao
sa pulo ng Pacific ay nakapagtatag ng kabihasnan na nakabatay sa
pagsasaka, pangingisda at pakikipagkalakalan sa kalapit lupain at
naniniwala sa banal na kapangyarihan.
Mga gabay na tanong sa panayam o interview:
1. Ang mga kontribusyon ba sa itaas (bilang 1-3) ay patuloy pa din na
ginagawa o nakikita sa kasalukuyang panahon? Bakit?
2. Paano naging kapaki-pakinabang ang mga ambag o kontribusyon ng
Klasikong Kabihasnan sa ating pamumuhay?
Ipaliwanag
3. Kung papipiliin ka alin sa mga sumusunod ang dapat mas bigyan ng
pansin na paunlarin (pagsasaka, pangingisda o kalakalan)? Bakit?
4. Bilang isang mamamayan, paano mo pahahalagahan o pangangalagaan
ang mga ambag ng Klasikong Kabihasnan?
Share
0 Replies