mga salitang pang-abay na panahon
Share
mga salitang pang-abay na panahon
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Explanation:
Pangabay na pamanahon Ang pangabay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
Mayroon itong tatlong uri: may pananda, walangpananda, at nagsasaad ng dalas.
Halimbawa ng may pananda ang nang, sa, noon, kung, kapag,tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang.
Halimbawa ng pangungusap na may pangabay napamanahon na mayroong pananda ang "Kailangan mo bang pumasok nang arawaraw?".
Ang walang pananda ay mayroong mga salitang katulad ng kahapon,kanina, ngayon, mamaya,bukas, sandali, at iba pa.
Halimbawa ng pangungusap na may pangabay na pamanahon nawalang pananda ang "Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino."
Ang pangabay na pamanahon na nagsasaad ng dalas ay mayroong mga salitang katulad ngarawaraw, tuwing umaga, tauntaon, at iba pa.
Isang halimbawa ng paggamit na ganito ang"Tuwing buwan ng Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan".