mga talasalitaan sa florante at laura 178-183 pleaseee needd helllppppp :)
Share
mga talasalitaan sa florante at laura 178-183 pleaseee needd helllppppp :)
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
178 - Si Duke Briseo ay parang perpektong bersyon ng kabaitan sa Albanya. PInakamatalino. Pinakamagiting. Pinakamapagmahal sa anak. Pinakamarunong mag-guide at magturo ng anak.
179 - Naalala ni Florante kung paano siya tawagin nuon (nung munting bata pa siya) ni Duke Briseo: Floranteng bulaklak kong natatangi o nag-iisa. (My one and only special flower.)
NOTE: Hindi po natin mahulaan kung bakit bulaklak ang tingin ni Duke Briseo sa kanyang anak. Dahila kaya sa kulay ng buhok ni Florante? Or dahil sobrang kinis ng mukha ni Florante?
180 - Yun ang tawag kay Florante mula nung bata siya. Una niya itong narinig mula sa kanyang mga magulang. Yun ang kanyang ambil / palayaw / nickname. At ngayon na siya'y naghihirap, parang naririnig niyang may tumatawag sa kanya gamit ang palayaw na ito.
181 - Sinabi rin ni Florante na nung bata pa siya, muntik siyang nadagit (na-snatch) ng isang buwitre (vulture) o ibong kumakain ng mga patay o malapit nang mamatay na mga hayop.
182 - Ikinuwento daw sa kanya (Florante) ng kanyang ina na nung tulog ang munting si Florante dun sa malaking bahay na kinta (or villa, in English, quinta in Spanish) nila sa bundok, may pumasok na ibon. Yung buwitre ay may sensitibong pang-amoy. Kaya nitong amuyin ang patay na hayop mula tatlong legwas (leagues). Ang distansiya ng is legwas ay tatlong milya (miles) or 4.828 kilometros.
183 - Sumigaw si Prinsesa Floresca, at na-alerto ang pinsan ni Florante na si Menalipo na taga Epiro (Epirus - isang rehiyon sa hilagang kanluran ng Gresya o northwestern Greece - nakadikit ito sa Albanya). Pinana ni Menalipo (Minelipus) ang buwitre. Agad namatay yung ibon