Mga tanong
1. Ano ang dahilan bakit ang dulang ito ay isang komedya?
2. Maglista ng limang aral n napulot sa dula. ( 5 ) lima po
3. Patunayan o bigyan ng pakahulugan ang pahayag
'" Ang mandaraya ay d nagwawagi`"
4 .ibigay ang kahulugan at gamitin sa pangungusap
A grasya
B. Haplusin
C. Duda
Pa help po pls:)
(NONSENSE REPORT)^^
Share
Verified answer
Sagot at Paliwanag:
1. Komedya ito dahil ito nagtatampok ng mga katawa-tawang pangyayari sa buhay. Nagtatapos ito nang masaya dahil nagkakasundo ang mga tauhan sa kuwento. Layon nitong patawanin ang mga manonood sa tulong ng mga kakaibang sitwasyon, hindi pangkaraniwang tauhan, matatalinong bato ng linya, wordplay, nakakatawang biswalisasyon, imahen at mga biro.
3. Tunay ang pahayag na "Ang mandaraya ay di nagwawagi." Sa moral na pagtingin, hindi dapat ituring na matagumpay ang isang taong nakamit ang pagkapanalo sa maruming paraan. Nasasaklaw ito ng bagabag ng konsensya at hindi patas na pakikipagbuno sa mundo. Kaya nga kung alam mong nagawa mo nang tama at malinis ang isang proseso ay laging dapat na itong ipagdiwang.
4. A. Grasya = kaaya-ayang kilos o bagay na ipinagpapasalamat.
Pangungusap: Dumating ang grasyang anak sa mag-asawa paglipas ng walong taon ng pagsasama
B. Haplusin = magaan at banayad na pagpaparaan ng kamay sa isang bahagi ng katawan
Pangungsap = Gumaan ang pakiramdam ng kaniyang anak nang haplusin nito ang likod pagkatapos nang walang humpay na pagbuo.
C. Duda = alinlangan
Pangungusap = Nag-alinlangan ang tsuper na pumasada dahil sa takot na mahawa ng sakit ng COVID-19.
#BRAINLYFAST