Mga tanong:
Kung ikaw ay kaibigan o Kaklase ni Maria, paano mo siya tutulungan upang matigil ang mangungutya sa kanya sa paaralan? Paano mo siya matutulungan na mailayo sa panghihikayat na pagsali sa fraternity?(5 pts)
Bilang isang mag-aaral, may magagawa ka upang masupil ang karahasan sa paaralan. Anu-ano ang mga bagay na kailanganan mo isa-alang-alang sa pagpigil sa karahasan sa paaralan? (5pts)
Kung ikaw naman ay nasa kalagayan ni Maria, paano mo lalampasan ang mga pagsubok tulad na lamang n pangungutya ng mga kaklase, pambubulas sa kakaibang pananamit, at pagiging ulilang lubos? (5 pts.)
Ang pagsali sa gang sa loob ng paaralan ay isa sa mga sagabal sa pag-aaral ng mga kabataan.
Share
Answer:
1. Kung ako ang kaibigan ni Maria matutulungan ko siya sa pamamagitan ng pagsusumbong sa aming Guidance Counselor ng mga nangungutya sa kanya. At matutulungan ko siyang mahikayat na wag sumali sa fraternity sa pamamagitan din ng pagtulong sa kanya na at ipaalala sa kanya na masama ang sumali sa fraternity at kung kailangan niya ng tulong nandito ako bilang kaibigan niya at bilang pamilya na rin.
2. Bilang isang mag-aaral marami talaga akong pwedeng magawa upang matigil ang karahasan sa paaralan. Halimbawa, sa pamamagitan ng pagsusumbong sa aming adviser tungkol sa pambubully na nangyayari o di kaya ay gumawa nang campaign upang ipaalam sa mga mag-aaral na hindi nakakabuti o nakakatulong ang pambubully sa klasmeyt at pinaka-importante ay simulan ito sa sarili.
3. Kung ako ang nasa kalagayan ni Maria, matutulungan ko ang aking sarili sa mga ginagawa nang kaklase ko sa pamamagitan ng paghingi nang tulong sa mga kapamilya nang mga magulang ko o di kaya ay pumunta nalang sa DSWD upang mas matulungan ako sa aking kalagayan dahil wala naman akong mga magulang at di ko rin kilala ang aking kamag-anak.