Mula sa epikong Si Rustam at si Sohrab, sa iyong palagay, may mga ganito pa bang suliranin sa kasalukuyan kung saan sa halip na magkaroon ng magandang relasyon ay naging magkalaban o magkatunggali pa ang mag-ama? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Home
/
Mula sa epikong Si Rustam at si Sohrab, sa iyong palagay, may mga ganito pa bang suliranin sa kasalukuyan kung saan sa halip na
Answer:
Si Rustam at Si Sohrab Mula sa Epikong Shahnameh (Buod ng Isang Epikong Persiyano0
Nasa sinapupunan pa lamang si Rustan ay hinulaan nang magiging magiting na bayani siya sa kanyang paglaki. Siya raw ay magiging paksa ng mga alamat. Hindi naging madali ang paraan ng pagsilang kay Rustan. Ang kanyang inang si Rudabeh ay dumanas ng matinding sakit. Nailabas lang siya sa tulong ng mapaghimalang ibong kumupkop sa kanyang amang si Zal noong ito’y ipinatapon ng kanyang ama sa paanan ng bundok. Bago lumisan ang mapaghimalang ibon, sinabi niya kay Zal na ang isisilang ni Rudabeh ay kasinlaki ng isang sanggol na leon. Ito ay magiging bayani at magiging paksa ng mga alamat. Pinayapa niya ang kalooban ni Zal sa pamamagitan ng pagsasabing magiging maayos ang lahat. Kagaya ng sabi ng mapaghimalang ibon, isinilang nga si Rustam na kasinlaki ng sanggol ng leon. Kagila-gilalas dahil sa loob ng ilang araw ay nagging batang paslit si Rustam at makalipas ang ilang lingo ay nagging kasinlaki na siya ng isang binata. Sa kanyang paglaki ay nagpakita ng kakaibang lakas si Rustam.Isang araw na may nagwalang putting elepante sa palasyo at walang makapayapa rito ay si Rustam ang buong giting na pumaslang dito.