Mula sa Mensahe ni Pangulong Duterte
ni Edwin Remo Mabilin
Matapos ang pagpupulong sa Malacaňang sa
pangunguna ni Pangulong Rodrigo R. Dutertre. Inilathala
ngayon sa mga pahayagan na pinapaalalahanan ang lahat na
mag-ingat dahil sa patuloy na paglaganap ng Pandemya sa
bansa maging sa buong mundo man. Ang lahat ay
kinakailangang sumunod sa tagubilin ng pamahalaan sa
pangunguna na IATF o Inter Agency Task Force na
nakakaalam sa pagpapatupad ng mga polisya sa kaligtasan
ng bansa at sa mga patakarang dapat sundin ng
mamamayan. Bagama’t ang Kamaynilaan ay inilagay na sa
GCQ o General Community Quarantine na maaari nangtanggapan maging ang ilang pampublikong istablisyemento
ay pinapayuhan ang lahat na maging maingat sa anumang
sandali dahil an “corona virus” ay isang mapanganib na
sakit na hindi natin nakikita at madaling
makapanghawa na magiging sanhi ng kamatayan ni
sinomang. Kaya’t upang maging ligtas ang lahat ay ugaliing
maging malinis sa katawan, magsuot ng face mask tuwing
lalabas ng tahanan, maghugas lagi ng kamay, huwag
lumabas ng bahay kung hindi naman kailangan at
panatilihin ang “social distancing” o pagiging may agwat o
malayo ng isang metro sa kapwa. Kung magagawa natin
ito, maiiwasan natin ang mahawa at makatutulong pa tayo
sa pamahalaan sa pagpapanatili ng displina sa bansa.
1. Ano ang paksa ng mensahe?
________________________________________________________________________
2. Anong uri ng pangngalan ang salitang ginamit sa mensahe na pahayagan,
istablisyemento, at bahay?
_________________________________________________________________________
3. Anong uri ng pangngalan ang salitang ginamit sa mensahe na pagpupulong,
paglaganap, kaligtasan?
__________________________________________________________________________
Share
Answer:
1. Ito ay patungkol sa pag iingat at mahigpit na pagsunod ukol sa ikabubuti nating lahat sa kalagitnaan ng lumalaganap na pandemya, may mga paalala din na dapat isa isip para maging ligtas sa sakit
2. Pangngalan (Noun)
3. Pandiwa (Verb)