naibabahagi mo ba ang iyong mga Kara nasan sa pagbabasa? kanino at paano?
Share
naibabahagi mo ba ang iyong mga Kara nasan sa pagbabasa? kanino at paano?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Answer:
Ang pagbabasa ay pagtatanong sa nakatalang teksto at ang pag-unawa sa teksto ay ang pagkuha ng sagot sa kaniyang tanong. -Frank Smith(Reading Without Non Sense, 1997)
2. Ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game, sapagkat ito ay nagdudulot ng interaksyon sa pagitan ng wika at pag-iisip: ang kakayahang manghula, bumuo ng hinuha o prediksyon kaugnay ng tekstong binabasa. -Kenneth Goodman( Journal of the Reading Specialist, 1967)
3. Mapanuring Mambabasa
4. Mapanuring Mambabasa Anomang uri ng teksto at tinatalakay nito, ang mambabasa pa rin ang gagawa ng pagsusuri at pagdedesisyon kung ito ay mahalaga, may ibubuga, kapani-paniwala, kasiya-siya, dapat basahin at balik-balikan, dapat pag-aralan ng malaliman o ang kabaliktaran nito. Gayunman, mahalagang basahin ang teksto sa sarili nitong merito. Ang mga dating kaalaman, karanasan, nabasa, napanood, napakinggan, at iba pa ay gamiting gabay lang upang unawain ang teksto. Tandaan, hindi kinakailangan at huwag ipilit ang sariling opinion at paniniwala sa teksto. Huwag puwersahin ang may-akda na palitan ang paniniwala niya at ipalit ang sa iyo.
5. Mga Estratehiya sa Mapanuring Pagbabasa
6. Mga Estratihiya ng Mapanuring Mambabasa Hindi natin malulutas ang mga suliranin sa pagbabasa sa pamamagitan ng paggamit ng sentido komun lamang. Kailangan natin ng ilang estratehiya upang malutas natin ang ganitong suliranin gaya ng doktor na kailangan din ng ilang instrumento upang makapanggamot nang maayos at epektibo. Totoo rin ito para sa mga mambabasa. Kailangan nila ng mga estratehiya at kakayahan upang malutas nila ang kanilang mga suliranin sa pagbabasa.
7. 1. Pagbasa sa pagitan ng mga linya
8. “Ito ay isang talinghaga na nangangahulugang pag-intindi sa tunay na mensahe sa likod ng kung ano ang tahasang nakasulat o nabanggit.
9. Ang sumusunod na pangungusap ay isang halimbawa: Sa ngayon, walang anumang pahayag ang pamahalaan hinggil sa kontrobersiya. Kung babasahin mo ang pagitan ng mga linya, mahihinuha mo na ang mga opisyales ng pamahalaan ay hindi pa handang magbigay ng pahayag, marahil dahil: ▸1. Nag-iingat sila. ▸2. Hindi pa nila alam kung ano ang sasabihin nila. ▸3. Ang impormasyong alam nila hinggil sa kontrobersiya ay hindi pa kompleto.
10. 2. Pagbasa nang malakas
11. “Ito ay makatutulong upang higit na maintindihan ang isinasaad ng manunulat. Sa paraang ito, magtatanong ka, magkokomento, at iisip ng sarili mong mga ideya at konklusyon habang nagbabasa ka.