Nang napansin ni Maria na nagkakainitan na ang dalawa, namagitan na siya "Rico,
Ramon, igalang ninyo ang isa't isa. Sige, Ramon, ipaliwanag mo kung bakit hindi ka payag
sa suhestiyon ni Rico.
"Tahimik ako dahil pinipigil ko ang galit ko. Alam ko namang binabansagan ako ng lahat na
bully tapos isa ako sa mag-uulat ng anti-bullying. 'Di ba insulto yun sa akin? Bully nga raw ako,
tapos magtuturo ako na huwag maging bully. Paano nila ako paniniwalaan?" ang paliwanag ni
Ramon kung bakit siya nananahimik sa kanilang pagpupulong.
"Alarn mo, Ramon, hindi ka na maaaring lumipat sa ibang pangkat. Ang gawaing ito
ay may malaking puntos sa ating marka. Anong solusyon ang gusto mong gawin?" tanong
ni Maria
Muling nagpaliwanag si Ramon, “Alam ko naman na mali ang ginagawa kong pambu-
bully, kaya lang, hindi ko naman kaya na agad-agad magbago. Sinisikap ko nang magpakabuti
dahil naaawa na rin ako sa mga magulang ko na laging pinapatawag sa guidance office. Pag
natuto na akong magbago, mas handa na akong maging tagapagsalita laban sa pambu-bully."
"Ako na lang ang tagapagsaliksik ng suhestiyon o idea ninyo sa internet. Ako na rin
ang gagawa ng Powerpoint pero huwag ninyo akong pagsalitain sa harap ng mga kamag-aral
natin. Hayaan muna ninyo akong manahimik sa likod at ako ang inyong magiging technical
assistant."
Binalingan ni Maria si Rico, "O ano, Rico, iginagalang mo ba ang suhestiyon ni Ramon?
Payag ka ba na tayong dalawa lang ang tagapagsalita?" "Oo naman. Nauunawaan ko na siya.
Sige, Ramon, patunayan mo sa mga kamag-aral natin na hindi ka na mambu-bully, dahil
ayaw mo nang mapagod ang mga magulang mo sa pagbisita sa guidance office, at ayaw mo
na ring magkaroon ng mga kaaway."
"Isang magandang aral para sa ating lahat ang sinabi ni Ramon. Darating ang
panahon na hindi ka na si "Ramon, ang bully," kundi ikaw na si "Ramon, ang mabuti,
ang panunukso ni Maria. Sabay-sabay na nagtawanan ang tatlong magkakamag-aral.
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano
ang paksang ibinigay ng guro sa pangkat nina Maria, Rico, at Ramon
upang kanilang iulat?
2.
Ano ang unang dahilang naisip ni Rico kung bakit ayaw makisama ni Ramon
sa pangkat?
3.
Bilang lider ng pangkat, paano ipinakita ni Maria na kapuwa niya iginagalang
ang dalawang miyembro na muntik nang mag-away?
4.
Ano ang paliwanag ni Ramon kung bakit ayaw niyang sumama sa pag-uulat?
5.
Ano ang gagawin mo kung napunta ka sa isang pangkat na hindi mo masyadong
gusto ang iyong mga kasama?
Share
Explanation:
1. isang magandang aral Mula sa bully
2. dahil sa pag bubully
3. siya ay nag papaliwanag upang mag kaayos Ang lht
4. dahil Alam nya na siya ay nauuna sa pagbubully at Hindi sya paniniwalaan
5. huwag na lamang sasagot Kong hnd kaayaya Ang mga sinasabi at makitulong nlng sa abot ng makakaya